Lovers Quarrel

1.9K 82 1
                                    

"Hon I'm sorry kung hindi ako naka abot sa dinner natin. Please forgive me Hon!" Rhian said with pleading look

Hindi naman umiimik si Glaiza at pinagpatuloy nito ang pag inom ng alak.

"Hon magsalita ka naman oh please kausapin mo ko. Alam ko galit ka saken please kausapin mo ko" Rhian said

"Rhian ano bang gusto mong marinig saken na galit ako. Oo galit ako sayo naiinis ako sayo alam mo kung bakit hindi mo binigyang halaga yung effort ko para makasama ka ngayong araw. Oh baka katulad ng nakalimutan mo oras nawala din sa isip mo na anniversary natin ngayon Rhian. And I guess tama nga ako na nakalimutan mong anniversary natin ngayon." Galit na sabi ni  Glaiza sabay inom ng alak na hawak niya

Hindi naman malaman ni Rhian kung anong gagawin dahil tama naman si Glaiza na nawala sa isip niya ang dinner nila at higit sa lahat nakalimutan niyang anniversary nga pala nila.

"I'm really really sorry Glai nakalimutan kong anniversary pala natin ngayon. Please forgive me hayaan mong makabawi ako sayo.please" sagot naman ni Rhian

Hindi na sumagot si Glaiza at tumayo na lng ito at pumasok sa kuwarto at humiga na ito para matulog.

Umiiyak naman ngayon si Rhian dahil sa hindi siya pinatawad ni Glaiza. Hinayaan niya na lang muna ito dahil alam niya ring mas lalong magiging worst ang pag uusap nila dahil nakainom si Glaiza.

Maya maya ay pumasok na rin siya ng kuwarto para magbihis at tumabi kay Glaiza na ngayon ay nakatulog na dala ng alak na nainom nito. Hinawi niya ang buhok nito na nakatakip sa mukha niya at inipit sa tainga nito. Binigyan ni Rhian ng halik si Glaiza bago matulog at mahigpit niya itong niyakap.

Natulog si Rhian na may luha sa mga mata niya.

Kinabukasan
6am

Maagang nagising si Glaiza hawak ang kanyang ulo na sumakit dala ng alak na ininom niya kagabi. Napatingin siya sa babaeng nakayapos sa kanya at naalala nito ang mga nangyari sa kanila kagabi.

Dahan dahan siyang bumangon at nagtungo sa cr para maligo dahil may mga documents siyang kelangan pirmahan sa RK.

Kahit na may tampo ito kay Rhian ay naisipan niya pa ring ipaghanda ito ng almusal bago siya umalis.

10am

Namulat si Rhian na wala na si Glaiza sa kanyang tabi at nakaramdam siya ng lungkot.
Tumayo na siya sa kama dahil nakaramdam siya ng gutom. Akma na siyang pupunta ng kusina ng makita niya na may nakahanda ng almusal sa lamesa at bigla siyang napangiti kahit papano.

Umupo siya at kumain ngunit nandun pa rin ang lungkot dahil hindi niya kasabay si Glaiza sa pagkain.

Matapos niyang kumain ay matagal pa siyang nag stay sa condo ni Glaiza hoping na babalik siya agad ngunit hindi ito bumalik agad.

Kaya napagpasiyahan niyang tawagan si Sally at yayain itong lumabas.

"Hey bestie goodmorning!Pwede ba tayong magkita ngayon kelangan ko lang ng nakausap please" malungkot na sabi ni Rhian

Maya maya pa ay nagreply si Sally

"Oo naman best pwede ako ngayon. Teka may problema ba? Nag away ba kayo ni Glaiza? Text mo saken kung san tayo magkikita para makapag usap tayo" sagot naman ni Sally

"Thank you bestie mamaya ko na lang kukuwento sayo. Magkita na lang tayo sa Bank Bar mga 5pm" Rhian said

Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now