The Confession Part 2

2.3K 107 0
                                    

Hindi makapaniwala si Rhian na masasabi lahat yun ni Glaiza dahil sa pagkakaalam niya na ayon sa kuwento ni Chynna ay hirap itong iexpress ang feelings niya lalo na sa harap ni Rhian.

Lumapit si Rhian kay Glaiza na may luha na ring pumapatak sa mga mata niya. Hinawakan niya ang mukha ni Glaiza na pinapahid ang luha nito at pinatingin sa mga mata nito.

"Hey Glai look at me! I also want to confess something remember the time you sang a song at Bank bar naramdaman ko na kinakanta mo yung kanta para saken dahil sa mga titig mo, sa mga effort mo para sunduin ako sa Clark kahit pagod ka galing sa mga gig mo na appreciate ko lahat yun. Masaya din ako sa tuwing nagkakausap tayo at magkasama tayo. Laging mabilis ang tibok ng puso ko. Kapag hindi ka nagpaparamdam saken nalulungkot ako. Katulad kanina I feel disaapointed coz Chynna told me that you cannot join us here. Na realize ko na di lang din paghanga ang nararamdaman ko para sayo. Its funny that we have mutual admiration for each other right?" (nakangiting sabi ni Rhian na humihikbi na din habang nagsasalita)
"I just wanted to tell you that Glaiza we also have the same feelings for each other. Oo Glaiza mahal din kita. I love you very much."

Hindi na napigilan ng dalawa ang saya na nararamdaman nila sa mga oras na yun. Mahigpit silang nagyakapan at hinalikan ni Glaiza si Rhian sa cheeks. Pero si Rhian ay mabilis na hinalikan sa labi si Glaiza na ikinabigla nito at nag blush si Glaiza.

"Hon you know what your cute when your blushing" Rhian said while smiling at Glaiza

"Love ikaw kasi eh ninakawan mo ko ng halik" sagot naman ni Glaiza na ikinatuwa nilang dalawa.

"You know what Honey we have to tell this to our friends sigurado ako matutuwa sila"sabi ni Rhian habang hawak ni Glaiza ang bewang niya.

Bumaba na sila para puntahan ang mga kaibigan habang naka intertwine ang kanilang mga kamay. Habang papalapit sila ay agad napansin ni Chynna ang mga kamay ng dalawa na nakaintertwine. Agad nitong sinalubong si Glaiza at niyakap at sabay sabing "I'm happy for you tsong".

Proud na itinaas ni Glaiza ang kamay nilang nakaintertwine at sinabing "Guy's its official kami na".

Niyakap naman sila ng mga kaibigan sa sobrang saya nila. Dahil sa mga nangyari napasarap sila ng kuwentuhan at inuman. Sila Glaiza at Rhian naman ay hindi mabitawan ang isa't isa magkayakap sila at panay naman ang halik ni Glaiza sa forehead ni Rhian. Habang ang kamay ni Rhian ay nakapatong sa thigh ni Glaiza.

Dahil sa dami na din na nainom nila ay nagpasya na silang magsiuwian. Si Chynna ang naghatid kila Abby, Wila at Sally.

Samantalang ang magkasintahan ay sabay na ding umuwi gamit ang sasakyan ni Rhian.

Inalalayan ni Glaiza si Rhian at binuksan ang pinto ng sasakyan para paupuin si Rhian.

At siya naman ang umupo sa driver seat. Hinalikan ni Glaiza si Rhian sa forehead at niyaya itong magkape muna para kahit papano mabawasan ang pagkalasing nito.

Nagtungo muna sila sa coffee shop bago dumiretso sa condo ni Rhian.


Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now