#4. Stalker?
I look around pero wala man lang akong makita na pwedeng tumulong sa akin para makatayo. Ang sama ng ugali ng mga 'yon. Paano nila nagawang iwanan ang isang babaeng katulad ko sa isang madilim na lugar at wala man lang dumadaan na tao! Aish!
Pinilit kong lumakad kahit na paika-ika ako. Nang makakita ako ng taxi ay agad ko itong pinara at sinabi ang address namin.
"I'm home..." malamya kong sabi pagkapasok ko sa bahay. Agad naman akong inalalayan ni manang Lily pagkakita nito sa akin.
"Anong nangyari sayo bata ka? Bakit iika-ika ka?" ngumiti lang ako sa kanya at nagpatulong umakyat sa taas nang maabutan kami ni mama.
"What happen, Belle? Oh my God, manang tumawag ho kayo ng ambulansya." Hysterical na sabi ni mama habang inalalayan akong maupo.
"Ma, h'wag na po, nastrain lang itong paa ko."
"Anong--- Oh my God, Belle... Bakit hindi mo ako tinawagan? Paano kung may nabaling buto dyan sa paa mo? Paano kung hindi ka na makalakad habang buhay?! Oh my God!" I'm speechless. Napakaadvance ni mama, kung ano-ano ang naiisip.
"Ma... Ma!" Huminto naman sya kakabalik-panaog sa paglalakad at nilapitan ako.
"Why, may masakit ba? Kaya mo pa ba anak? Konting tiis nalang, malapit na ang ambulansya..... Manang wala pa ho ba?" I brush my hair in disbelief.
"Ma, strain lang ito.. Strain ma..." natigil ako nang tingnan niya ako ng masama.
"So what kung strain lang yan, Belle. Hindi mo alam ang damdamin ng isang magulang kapag nakikita nilang nasasaktan ang anak nila. Kailan ka ba magiging tao? Kapag masakit magreklamo ka naman!" blah blah blah... Nag emote na ang mama ko. Napatigil lang sya nang marinig ang boses ni papa na kararating lang.
"Bakit may ambulansya sa labas, mama?" rinig kong tanong ni papa at narinig ko namang hysterical na nagsusumbong si mama kay papa.
"What?! Where's my daughter?"
"Our daughter, papa!"
Kung kaya ko lang maglakad ng matino papunta sa kwarto ko ay ginawa ko na. Sumasakit na ang tenga ko sa dalawa na akala mo mamamatay na ako kung umasta.
Dumating ang mga staff ng abulansya na nagmamadali hanggang sa makalapit sa akin. Nang makita nila akong nakangiti pa sa kanila at itinuro ko ang paa kong namamaga ay napakamot nalang ang mga ito sa ulo. Samantala, sina mama at papa naman ay madaling-madaling ipinasakay ako sa stretcher. Hayyy nakooo!
Nakarating kami sa hospital at kung ano-anong examination ang inirerequest nina mama at papa na hindi naman kailangan. Umabot pa sa punto na lumuhod pa sila sa harapan ng mga doctor maialis lang daw ako sa bingit ng kamatayan. My goodness!
Weird ang parents ko pero kahit ganyan sila, nakakatuwa lang, because I know how precious I am to them. To the point na hindi na nila inisip ang kahihiyan nila sa mga nakakakita sa kanila sa loob ng hospital.
A few hours after, nakalabas na din kami sa hospital at nakauwi na rin sa bahay.
"How are you feeling, Belle? Masakit pa ba anak?' tanong ni mama sa akin ng makapasok kami sa guest room. Hindi kasi nila mabuksan ang room ko na nakalock, nagdahilan ako na baka naiwan ko ang susi sa locker ko sa school. Sisirain pa nga sana nila ang lock ng room ko, pinigilan ko lang.
"Ma, okay na okay na po ako." Natingin ako sa paa kong nakasimento at napangiti, "Thanks ma, pa." I said sweetly but deep inside, hanep... Hindi naman dapat sisimentuhin ang paa ko pero pinilit nila yung doctor na simentuhin ito. Nakakaiyak sila!

BINABASA MO ANG
A Prince or a Thug?
FanfictionA prince that she always admire and a thug that she hates the most. Anabelle or 'Belle" for short is a girl who always follow her prince wherever her prince go. She almost make herself a perfect girl mapansin lang ng kanyang prince charming. But whe...