Chapter 3

58 16 20
                                    


#3. D-Day

CHRINE'S POV

A few hours ago...

We're chilling at our hideout nang mapahinto kami sa paglalaro ng pool ni Peter and even Vincent na naglalaro ng dart kasama ni Walter. Pare-parehas kaming napatingin sa leader naming kararating lang na patadyak na sinipa ang pintuan pabukas. Madilim ang mukha nito at mukhang wala sa kondisyon.

"Mukhang badtrip si GD." Bulong ni Jack na lumapit sa akin. Nilapitan ko si GD pero nilagpasan lang ako nito at naupo sa usual nitong upuan. Nilapitan ko sya ulit nang ihagis niya sa akin ang isang cellphone.

"Find that bitch." Madiin nitong sabi. I grin, mukhang mapapasabak na naman kami. He turned his back and rest his head on his chair nang may mapansin ako sa kanya. He got bandages on his forehead, and I bet napasabak na naman ito. Hindi ko na tatanungin kung sino, sa dami ng gustong kumalaban sa kanya tiyak na hindi niya rin tanda kung sino ang nakaharap niya.

Binuksan ko ang cellphone na ibinigay niya sa akin. I frown nang makita kong may password kaya hinagis ko na kay Walter, "Ikaw na bahala dyan." He grin then he happily open his laptop and do his job.

"Done!" he shouted while stretching his arms. "The owner's name is Anabelle B. Kerrful, she's a high school student of *** Private according to her uniform in her photo." Napangiti ako, he's a pro pagdating sa computer.

"A girl?! Patingin muna!" Said Charles na tuwang-tuwa habang tinitingnan ang laman ng cellphone. Nakisali na rin si Jack na kapareho niyang bugok.

Bigla namang tumayo si GD. Pinuntahan niya ang dalawang busy sa pagkakalikot ng cellphone at inagaw nito ito mula sa kanila saka pinatikiman ng tig-isang batok.

He look at the screen at mukhang kinikilala niya ang taong nasa picture, then he form a frowning face, "This brat!" he growled. Kung lata lang ang hawak ni GD siguradong yupi-yupi na ang cellphone. Malakas na hinagis ulit sa akin ni GD ang cellphone and he didn't say anything nang lumabas sya ng pintuan.

"This time is a girl huh? I wonder what she had done with GD to be pissed like that?" Says Peter na tiningnan din ang mukha ng nasa screen ng cellphone, "Hmmm.. She looks interesting, Chrine." Sabi nitong napahawak sa kanyang baba while grinning.

Katulad ni Peter, curious din ako kung anong klaseng babae itong nakapagpainit ng ulo ni GD. Somehow, we never questioned GD for all his actions, he never waste his time for nothing kaya alam namin na may dahilan siya kung bakit niya kami inutusan sa bagay na ito.

We rode our bikes papunta sa school ng babae at naghintay kami sa lugar kung saan dumadaan ang mga papasok na studyante.

"Aishh! Wala pa ba?" inip na tanong ni Peter. Si Jack at Charles naman ay busy sa pagpapacute sa mga dumadaan na babaeng nakauniform.

I shrug. Kahit ako ay naiinip na. Pansin kong tumayo si Vincent at bumama ng motor niya pagkatapon sa yosi niya. Lumapit sya sa akin at kinuha ang hawak kong cellphone na pagmamay-ari ng hinahanap namin.

Binalik niya ulit sa akin at saka may itinuro. Tumingin kami ni Peter sa direksyon na tinuturo niya at saka tinawag na yung tatlo.

...

Present...

Sinuguro naming anim na harangan ang daraanan ng target namin at sinubukan rin namin na hindi makatawag ng pansin. Napatingala sya sa amin at mukhang nagtataka ito. She gave us a sweet smile then says, "Excuse me, dadaan ako." I smirked.

A Prince or a Thug?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon