#10. Deal
Sensya na kung may mga typo error or grammatical error. Hindi ko na nareview dahil nagmamadali ako. "Tinatawag ako ni kalikasan." tabi-tabi po. ^^V
I went to the rooftop katulad ng sinabi ni GD pagkatapos niyang lumabas ng classroom namin. Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta doon, gayong pwede ko namang hindi na pansinin ang sinabi niya, pero nagpunta pa rin ako.
Kung alam ko lang na mumura-murahin lang niya ako at pagbabantaan ng kung ano-ano ay hindi na ako nagpunta. Sumusobra na sila! Purkit hindi ko lang masabi na nadisgrasya ang kaibigan nila dahil ayaw naman ipasabi ng isa ay hahamunin ako ng one on one?!
"You're dead now." Chrine said as he chuckled. Nagkunwari akong nanginginig sa takot.
"You said it, it means you're in." sabi naman nung Peter. Huh! Sinong akala nilang basta nalang aatras, ako? Ako na mahilig sa challenge?
"She's cute!" bulalas ni Charles na lumapit sa akin at pinisil ang pisngi ko. Pinalis ko ang kamay niya at tiningnan siya ng masama. "Ang cute mo talaga!" komento pa niyang mukhang tanga.
Tinalikuran ko na sila at umalis na sa lugar na 'yon. For the first time in history, kahit alam kong kayang kaya kong makipagmagalingan sa kanila ay ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
Nakakabanas! Nakakainis! Bakit ba may mga taong papansin! Iniiwasan na nga, pilit pang lumalapit!
But I have to keep my head straight, kailangan ko silang talunin. If GD succeeding on beating my number one rank, magagawa niya ang gusto niya. Making me his slave; duh, as if, and making me his girl; over my dead body.
Kung matalo ko naman siya, mapapaalis ko sila dito sa school. Magta-transfer sila at mawawala na ang pinaka-nakapagpapasakit ng ulo sa student council.
"Belle!" lumingon ako sa likuran ko at huminto sa paglalakad ng makita sina Dorothy at Wacky.
"Bakit?" Tanong kong nakangiti nang makalapit sila.
"Saan ka galing?" tanong ni Wacky.
"Diyan lang, may kumausap lang sa akin." Kumunot naman ang kilay nung dalawang kaharap ko.
"Sa rooftop?" turo ni Wacky pataas sa hagdanan patungong rooftop. Tumingin naman ako sa itinuro niya at ibinalik ang tingin sa kanila.
"Ahh ehh, oo. Ano kasi—" napahinto ako sa pagsasalita nang hilahin ako ni Dorothy paakyat sa hagdadan papuntang rooftop.
"Kuya Dorothy, teka... Sandali lang~" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang hinihila niya ako paakyat sa rooftop. Paano kung magtalo na naman sila nang mayabang na mga estudyante na 'yon?
"Oo nga, Pres. Bakit mo hinihila si Belle papuntang rooftop?" tanong din ni Wacky na nakasunod.
"H'wag kayong magulo." Lingon nito sa amin. Seryoso ang mukha niya at mukhang nakakatakot kung magtatanong pa kami.
Kahit kinakabahan ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang kamay naming magkahawak. Alam kong hindi ako dapat kiligin sa mga oras na 'to pero hindi ko mapigilan!
"As I thought." Mahina nitong sabi. Nakarating na pala kami ng rooftop nang hindi ko namamalayan.
"Hey! Bawal yan ah!" sita agad ni Wacky sa mga pasaway na naninigarilyo pero tiningnan lang nito kami at lalo pang nagbuga ng usok na tila mo mga nang-aasar.

BINABASA MO ANG
A Prince or a Thug?
Fiksi PenggemarA prince that she always admire and a thug that she hates the most. Anabelle or 'Belle" for short is a girl who always follow her prince wherever her prince go. She almost make herself a perfect girl mapansin lang ng kanyang prince charming. But whe...