#7.
Finally, sa wakas, malaya na ako! Sorry nalang sa kumuha ng tungkod ko dahil hindi ko na 'yon kailangan.
Natanggal na rin sa wakas ang simento ng paa ko. Makakamot ko na ang mga daliri kong nangangati! At isa pang pinakamasaya, I have my whole time to be lazy this weekend dahil zero home works kami ngayon! Yahooooo~
"Ma, aalis lang po ako sandali, may bibilin lang po ako." Paalam ko while heading the door way. I want to buy a new dvd, yung Tag, Japanese horror movie na nakikita ko sa mga FB post. Mukhang maganda eh. Sa youtube ko nalang sana sya panonoorin kaya lang mas maganda yata kung sa mas malaking screen ko sya mapapanood, wala pang mga advertisement.
"Oh?..." nilapitan ako ni mama at hinipo ang noo ko. "Wala ka namang lagnat?" she muttered. I know what she means. Usually, hindi naman ako lumalabas ng bahay sa hapon, unless kung may pasok. *sigh
"Ma naman~"
"Fine, go on, just make sure you'll come home before dinner... And oh.." dumukot sya sa bulsa niya ng cash at papel na nakafold, "I forgot to buy this ingredients. Can you buy it for me?" tumango naman ako kay mama at saka kinuha sa kanya ang listahan pati ang cash.
Nang makarating ako sa dvd world, agad kong kinuha ang gusto kong movie at binili ito. Next stop is at the grocery store. Kinuha ko ang mga nakalista sa listahan ni mama at bumili na rin ako ng school supply for my excuses.
Syempre hindi mawawala ang mga cola at junk foods na itinago ko sa supot ng school supply ko na binili para hindi makita ni mama. Hehe.
I step out of the store matapos kong magbayad. Huminto ako sa harapan para ibulsa sana yung sukli sa akin nang mabunggo ako ng lalaking patalikod kung maglakad.
Sumabog ang supot na hawak ko sa lakas ng impact niya; which is yung mga pinabili ni mama sa akin at kumalat ito sa dinaraanan ng mga tao.
"Can you help me to pick my stuff?" pakiusap ko sa mga dumadaan while picking the other veggies na nagkalat. Ano ba naman kasi, karton lang ang supot, madaling mapunit.
Napaangat ang ulo ko when someone stomped his feet sa pinupulot ko.
"Chiks pre!" sabi nung tumapak sa petsay na hawak ko. Nagtawanan yung mga sa tingin kong kasama niya at pinaikutan na ako ng mga ito.
Tumayo ako. Tumingin ako sa paligid at naghanap ng pupwedeng tumulong sa akin. I saw the SG of the grocery store na pinagbilan ko at mukhang papalapit na sa amin, pero umatras din ito nang akbayan ako ng kutong lupa na tumapak ng petsay ko at tinawag akong 'lil' sister'.
I can't believe na naniwala naman yung guard na may kapatid akong mukhang susuhong?! Grabe yah... sa itsura ko naman na 'to.
Tatawagin ko ulit ang guard nang bulungan ako ng isa sa kanila at pinagbantaan. Pagkatapos ay iginiya ako nito palakad hanggang sa makarating kami sa isang playground na wala nang mga tao.
Itunulak ako ng mga mukhang susuhong na lalaki at napaupo ako sa buhanginan. Pasimple akong dumakot ng buhangin sa kamay ko at nakahanda akong ibato sa mukha nila kung sino man ang magtangkang lumapit sa akin.
"Miss, gusto namin maglaro, sali ka?" sabi nung isa sa kanila na puro pimples ang mukha.
I didn't reply. Mga sira ulo ata ang mga 'to. Gusto lang palang maglaro mambubulahaw pa ng ibang tao. And look at them! Mukha silang pupunta ng burol dahil puro sila nakaitim.
"Natatakot ka ba sa amin? Hwag kang matakot, mababait kami, pagkatapos namin maglaro, pakakawalan ka rin namin." They laugh creepily. Binilang ko sila, anim. Anim na hindi ko alam kung tao nga ba o alien.
BINABASA MO ANG
A Prince or a Thug?
FanfictionA prince that she always admire and a thug that she hates the most. Anabelle or 'Belle" for short is a girl who always follow her prince wherever her prince go. She almost make herself a perfect girl mapansin lang ng kanyang prince charming. But whe...