#2. Who are they?
"I'm home!" sinalubong ako ni manang Lily pagkapasok ko sa bahay at binati ako. Si manang Lily ay matagal nang naninilbihan sa amin. Bata palang ata si mama sya na ang nag-aalaga dito. Kaya hindi na rin iba ang turing namin sa kanya.
"Mukhang masayang masaya ka yata ngayon, hija?" ngumiti naman ako ng matamis sa may edad nang si manang Lily.
"Akyat na po ako." Paalam ko, kahit gustung-gusto ko nang tumakbo paakyat ng hagdanan ay iminentain ko ang poise ko sa paglalakad.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay ibinalibag ko sa kama ang bag ko at isa-isa kong hinubad ang suot kong uniform habang papuntang closet. I wear an oversized t-shirt at saka mickey mouse printed na pajama. Then pinuntahan ko naman ang mini refrigerator na nasa kwarto ko at nagbukas ng cola.
Ganito ako pagdating galing sa school, nailalabas ko ang pagka lazy ko.
"Ahhhh!" cola is a companion, a bestfriend, and a lover for me, including my video games and manga books. They are the best!
I heard a knock on my door kaya pinuntahan ko ito at bahagyang binuksan ang pintuan na sakto lang para makita ang mukha ko.
"Dinner is ready, Belle." Sabi ni mama. Sumisilip-silip ito sa loob pero hinaharang harangan ko.
"Mama, paakyat nalang po kay manang Lily, marami pa po kasi akong tatapusin na assignment." Nalukot naman ang mukha ni mama at saka pilit na itinutulak ang pintuan ko pabukas. Nakipaglaban naman ako sa kanya. Ganito kami palagi simula nang maghigh school ako. Ginawa kong restricted area ang room ko para hindi nila malaman kung gaano kagulo ang loob room ko. Mamaya ipagkalat pa nila sa school na burara ako.
"Hay. Belle! Bakit ba ayaw mo na kaming papasukin sa kwarto mo? Ano bang tinatago mo dyan?" galit na nitong sabi. Ngumiti naman ako sa kanya ng matamis at nagpuppy eyes.
"Ma, marami po kasi ako talagang ginagawang home work. Ang kalat po kasi, nahihiya akong makita ninyo." Palusot ko. Mukha namang naniwala sya at huminto na sya sa pagtulak sa pintuan ko.
"I don't know what to do with you, Belle. Masyado ka anak seryoso sa buhay. Konting kalat lang ikinahihiya mo ns. Masyado mong isinusubsob ang sarili mo sa pag-aaral. High school ka pa lang pero tambak na ang assignments mo. Do you want me to transfer you in a public school? Para naman matuto ka kung paano maglakwatsa. Napakaboring mo! Subukan mo naman mag-enjoy paminsan-minsan. I can't believe that my only daughter is a geek! Weirdo!" napapangiwi ako sa mga pinagsasasabi ni mama. Sya nga itong weird eh.
"Ma, it's okay. As long as I'm a good girl, right?" nagpuppy eyes ako pero mas lalong nanlaki ang butas ng ilong niya.
"Urrrgghh!!! But don't be too good, Belle! You are almost perfect! We want that but it's too boring! Hindi man lang kita makabonding, hindi man lang kita makakwentuhan tungkol sa mga crushes mo, ayaw mo rin sumama sa akin na magmall dahil palagi kang nagkukulong dyan sa kwarto mo kasama ng mga libro mo!" she pause and make her face near me. "Anak, I didn't wish you to be a perfect daughter. Bakit ka ba nagkaganyan, nasaan na yung Anabelle kong masiyahin, vigorous at trouble maker? Mas cute ka noon eh, at least that time, you always need my help. But now... Look at you! Parang hindi mo na yata kami kailangan ng papa mo." She started to cry. I held her hand and smile at her sweetly at saka isinara ang pintuan. Ang drama talaga ni mama.
Narinig ko si mama na kumakatok ulit sa labas pero hindi ko na sya pinagbuksan. Gaano naman kaweird ang mama ko? To the point na mas gusto nila ang anak na warshak kesa sa perfect daughter. Kung ibang magulang lang siguro, tuwang tuwa sila kapag perfect ang anak nila.

BINABASA MO ANG
A Prince or a Thug?
FanficA prince that she always admire and a thug that she hates the most. Anabelle or 'Belle" for short is a girl who always follow her prince wherever her prince go. She almost make herself a perfect girl mapansin lang ng kanyang prince charming. But whe...