“YOU’RE late.”
Dahan-dahang tumindig si Candi mula pagkakayuko sa likod ng tinataguang mga halaman sa paligid ng breezeway ng resort na iyon.
“Jaro! Nariyan ka pala? I didn’t notice you.” Napakatigas ng ngiti niya rito habang pasimpleng nagkakamot ng ulo.
“Hindi mo talaga ako mapapansin kung gumagapang ka sa likod ng mga halaman dito.” Namaywang ito. “May I know what took you so long?”
“He-he-he…” What an idiotic laugh. Pasimple niya munang pinunasan ang tumutulong pawis sa sentido bago iniharap dito ang mga folders na kanyang dala. “I worked on some files in the office before I hurried off.”
Sandaling pinagmasdan nito ang mga folders na hawak niya bago muling bumaling sa kanya. “I can’t remember allowing anyone of you to bring work here.”
“Y-yeah,” napipilitang sang-ayon niya. Nag-aalangang iniabot niya ang kanyang mga folders sa nakalahad na kamay nito.
“You can have these back after vacation. Why don’t you relax and forget about your work in the meantime? Marami akong hinanda para sa lahat,” wika nito bago humakbang palayo.
Nooo! My work! Nakagat na lang niya ang kanyang labi habang sinusundan ito ng tingin. Wala man lang siyang nagawa para masagip ang kawawang trabaho niya.
Kahit gaano pa kasi kabait at kakenkoy si Jaro, nakakasindak pa rin ito kung minsan. Nangingibabaw kasi ang pagka-lordly nito sa mga pagkakataon na gaya ngayon. Ito ang nag-organize ng mga aktibidades ng buong barkada para sa bakasyon.
Nakasimangot na binalikan na lang niya ang kanyang mga luggages. Kanina pa siya hirap na hirap na hilain ang mga iyon dahil nga pinagtataguan niya si Jaro.
“Bakit kasi may bionic eyes ang taong iyon?” pabulong na tanong niya.
“Ako na riyan.”
Nagulat siya nang may kumuha sa kanya ng handle ng hinihilang mga luggages. She turned and almost choked when the handsome face of the man she was crazy over greeted her. At hindi na niya napigilan ang mapalunok nang makitang wala itong pang-itaas.
Ooh, what a nice welcome…
“Doon pa sa dulo ng resort ang lodge na tutuluyan natin,” anito. “Follow me.” Nauna na itong naglakad, karay-karay ang mga naglalakihang gamit niya.
Habang sinusundan ito ay binubusog naman niya ang mga mata niya sa pagtanaw sa likod ni Azel. He had an attractively well-proportioned physique. He was very masculine from his stature to his aura. His hair was dripping. So was his body. Napansin din niyang may buhangin sa ilang bahagi ng katawan nito na nakadagdag naman sa kakisigan nito.
Ahh… napakagandang tanawin—
“Ang ganda ng view, 'no?”
“H-huh?” Lumingon siya sa direskyong tinitingnan nito. “Aba! Oo nga, ano?”
Indeed, it was a magnificent view of the vast blue sea kissing the open sky. Masyado yata niyang pinanindigan ang pagiging ninja sa pagtatago kay Jaro kanina kaya hindi niya napansin ang napakagandang tanawin na iyon. O kaya naman, sobrang nag-enjoy siya sa makamundong panunuod niya kay Azel.
“Ngayon mo lang napansin?” takang tanong nito.
“Ahm, yeah...?”
“Weird. Kanina ka pa nandito, ni hindi mo man lang napansin ang breathtaking view na 'yan?”
Alam nitong kanina pa siya nakarating? “Alam mong kanina pa ako nakarating?”
“Actually, I was waiting for you in one of those huts.” Inginuso nito ang mga nakahelerang kubo sa may beachfront.
![](https://img.wattpad.com/cover/455738-288-k494424.jpg)
BINABASA MO ANG
It Happens To Be You, Sweetheart!
HumorFriendship could end up to love; but love to friendship, I don't think so... ♥♥♥