"AGUSTO, gusto mo ng suntok?"
"What? Totoo naman yung sinabi ko, ah," pagdedepensa nito sa banta niya.
Lumabas siya ng kotse at tumingin sa paligid. Madilim na sa mga oras na iyon. Nasa parking lot na sila ng sports grounds sa village ni Jaro. Walang ibang naka-park na sasakyan doon. Patay rin lahat ng ilaw sa loob ng grounds. At iisang lamppost lang―na mukhang mapupundi na ano mang oras―ang tanging nagbibigay ng liwanag sa lugar na pinag-park-an nila.
"Eh, wala namang tao sa loob. Niloloko mo ba ako?" bulway niya.
Bumaba na rin ito ng kotse at nakapamaywang na tumingin sa paligid. Nagkamot ito nang ulo nang matantong wala ngang ibang naroroon.
"Ah...Where are they?" mahinang sambit nito.
"Naku, Agusto! Kung hindi lang ako gutom, kanina pa kita nabugbog―"
"Nagugutom ka na? Bakit 'di mo sinasabi?" Humakbang ito palapit sa kanya. At dahil hindi nalalayo ang height niya sa taas nito na 6'1", naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang noo nang makalapit na ito. Hindi tuloy niya magawang tumingala rito. May posibilidad kasi na magtagpo ang kanilang mga labi oras na gawin niya iyon.
"Hey?" Lalo pa itong lumapit sa kanya nang hindi siya agad tumugon. And his distinct sexy and very masculine scent wafted into her nose. The scent made all those women he flirted with go ecstatic. Na-realize niyang nakaka-adik nga ang amoy nito.
"A-ano?" distracted na tanong niya.
Inakbayan siya nito bago tumawa. "Gutom ka na nga." Giniya na siya nito pabalik sasasakyan. Sa back seat sila naupo.
"Ano'ng gagawin natin dito?"
"Kakain. Here." Iniabot nito sa kanya ang isang paper bag. May laman iyong isang malaking Styrofoam ng pagkain.
"Bakit dito pa tayo kakain? Pwede naman sa harap, ah."
"Para cute," kaswal na sagot nito bago iniabot sa kanya ang napunasang plastic spoon at fork.
Tatanungin pa niya sana kung may balak ba itong buksan ang ilaw sa loob ng kotse nito. Pero mukhang wala itong balak. Anyway, the light from the only lamppost near where they parked the car gave them enough light to see.
Binuksan niya ang pagkain. Agad niyang binalik dito iyon nang makitang puro karne ang ulam.
"Ikaw na lang ang kumain."
"Bakit? 'Wag kang mag-alala, malinis ang pinagbilhan ko nito."
"Hindi naman 'yon ang dahilan ko."
"Wala rin itong lason... O gayuma."
"Hindi rin iyon. Wala man lang kasing gulay iyan."
"Ah. Naubos na kasi ang mga putaheng may gulay nang bilhin ko 'to kanina," paliwanag nito.
"Okay lang. Ikaw na lang ang kumain." Binalik na niya rito ang plastik na kutsara't tinidor.
"No." mariing ngunit malambing na sabi nito
"Ano'ng 'no' ka riyan? Eh, ayoko nga kumain."
"You should stop that habit, Candi. Hindi pwedeng nagpapalipas ka ng gutom." Sinalpak nito pabalik sa kanya ang kubyertos.
"Eh, ayoko nga," mahinahong sabi niya.
"Ayaw mo talaga?" Tumango siya. "Sigurado ka?"
"Oo, sabi."
May inabot itong isang plastic mula sa front seat. Mula roon ay inilabas nito ang isang balot ng Vcut at isang can ng root beer. Her favorite combination.
![](https://img.wattpad.com/cover/455738-288-k494424.jpg)
BINABASA MO ANG
It Happens To Be You, Sweetheart!
HumorFriendship could end up to love; but love to friendship, I don't think so... ♥♥♥