"ANO na naman yan?"
"Bulag ka ba?" walang kabuhay-buhay na balik-tanong ni Candi habang patuloy sa pagbabasa ng bagong pocket book na binili niya sa kalapit na bookstore. Kahit hindi na niya lingunin ang taong umistorbo sa kanyang tahimik na pagbabasa ay kilala na niya kung sino ito.
"Parang hindi yata iyan ang binabasa mo kahapon, ah," wika ni Azel bago naupo sa tapat niya.
"Ano'ng tingin mo sa 'kin, slow reader?"
"Hindi naman. Medyo lang,"
Naiinis na ibinaba niya sa ibabaw ng mesa ang kanyang binabasa. Sinimangutan niya ito. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang nawala ang inis niya nang makita itong nakapangalumbaba habang titig na titig sa kanya. Nakangiti rin ito na para bang nagdi-daydream. Bigla tuloy siyang nailang. Mabilis na iginawi niya sa ibang direksiyon ang tingin.
Hindi niya itatanggi, gwapo talaga ang tingin niya sa kaibigan noon pa man. But there was something about him and the way he looked at her this time that made her feel terribly uneasy.
Ano kaya?
Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa kaibigan. Pulang T-shirt ang suot nito. Wala itong suot na anumang accessories maliban sa puting wristband na in-arbor nito sa kanya nang minsang makasabay niya ito sa pagja-jogging.
Simpleng-simple ang bihis nito ngayon. Hindi tulad ng madalas nitong ayos― kumpleto sa bling-bling, bracelet at relo. Habang ang buhok nito ay gaya pa rin ng dati na sadyang magulo. Pero masasabi niyang hindi nabawasan ang kagwapuhan nito. In fact, he even looked a thousand times more handsome as the morning light streaming through the glass wall near where they were seated highlighted his finest features. Mukha itong anghel kahit na nga ba pulang-pula ang suot nito.
Ewan ba niya, ngunit tila hindi na niya maalis pa ang pagkakatitig sa kaibigan. At naguguluhan siya sa kakaibang pagtibok ng kanyang puso.
Hala! Inlababo ka, day! sigaw ng isang tinig na iyon sa kanyang isip.
Kumunot ang kanyang noo sa ideyang iyon. Imposible. Malabong ma-in love o magka-crush man lang siya sa kanyang bestfriend dahil lang sa nasisinagan ito ng sobra-sobrang liwanag ng araw.
Dahil sa shining-shining ng araw? Ano'ng konek? tanong ng isa pang tinig sa isip niya.
Oo, 'yon na 'yon. Kaya tumigil ka na!
Nagtataka na siya kung bakit ba niya kinakausap ang sarili. Hindi naman niya gawain ang kabaliwang iyon.
Nang balingan muli si Azel ay napakalapad na ng ngisi nito na para bang may nakakatawa sa kanyang hitsura. Tumikhim siya at hinampas ito ng pocket book sa noo.
"Ano'ng nginingisi mo riyan? Huh? Huh? Huh?"
"Ah! Aw! Aw! Stop! Candi!"
Patuloy lang siya sa paghampas dito. Sa ginagawa ay unti-unting nababawasan ang pagka-ilang niya. Sandali ang lumiipas bago siya nakontento sa pambubugbog dito. She got back to her slumped position and continued reading silently as if nothing happened.
"'Sama mo," mukmok nito.
"You deserve that."
This had been her way of treating him since the day they became friends. Madalas niya itong sungitan at mabibilang lamang ang mga araw na sweet siya rito. Matuturing din na "special holiday" ang araw na nasa mood siya na pakitunguhan ito nang maayos.
Ano pa man ay hanga siya rito. Dahil ni minsan ay hindi ito nagalit o nilayuan siya sa kabila ng hindi makatarungang paghampas, pagsuntok, pagbatok at kung anu-ano pang pananakit niya rito na naging hobby na niya mula pa noon.
BINABASA MO ANG
It Happens To Be You, Sweetheart!
ЮморFriendship could end up to love; but love to friendship, I don't think so... ♥♥♥