PANIMULA
Memories... Yung alaala ng nakangiti niyang mukha noong ibinigay niya sa akin yung Valentine's Card na ipinagyayabang pa noon ng pinsan niyang si Jude. Yung alaala ng saya at kilig na naramdaman ko noong tinanggap ko yung card na pinaghirapan niya at dinisenyuhan. Alam kong torpe siya. Kung sabihin niya ngang mahal niya ako, pabiro lang e! Minsan nga yung pinsan niya pang si Jude ang nagiging tulay namin. Pero noong gabing iyon, kung kailan pumasok na sa isip kong gawing totohanan yung relasyon naming biru-biruan lang... Yung gabing iyon kung kailan masaya kaming umuwi galing sa "date" namin matapos naming malagpasan ang isang kakila-kilabot na experience na ayaw ko na sanang maalala... Yung gabing iyon na pala ang huling sandaling makikita ko siyang nakangiti. At yung mga alaala ng masaya naming pinagsamahan, iyon na lang yung pinanghahawakan ko ngayon.
"Jom!!!"
Flashback... Ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya noong gabing iyon. Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang duguan niyang katawan dahil sa pagsagasa sa kanya ng isang kulay itim na van.
Hindi ko inaasahang sa ganoon matatapos ang masayang gabi namin. Kasalanan ko siguro, at nung nahulog na piso. Iyon naman talaga yung dahilan kung bakit siya namatay. Kundi siguro ako natuwa sa date namin, kundi siguro ako nag-prisintang ililibre ko siya ng pamasahe pauwi, kundi ko siguro nahulog yung piso na iyon habang nagkakalkal ako ng pambayad noong naghihintay kami ng masasakyan naming jeep, kundi siguro gumulong yung piso sa gitna ng kalsada, kundi niya siguro kinuha iyon... Malamang sa malamang, buhay pa nga si Jomari.
"Diyos ko! Tulong! Tulungan ninyo kami!" sigaw ko nang makapunta sa puwesto kung saan tumilapon si Jomari nang sagasaan siya ng itim na van.
Masamang-masama ang loob ko dahil kahit anong sigaw ko, walang lumapit sa amin. Wala man lang nagprisintang tulungan kami. Lahat ng taong tiningnan ko nabigla. Parang ayaw nilang gumalaw sa puwesto. Ganito pala yung reyalidad ng mundo. Napakalayo nito sa napapanood ko sa pelikula na pag may nasagasaan, tutulungan ka agad, tapos dadating yung ambulansya at sa huli, puwede pang mabuhay yung taong isinugod sa ospital. Wala e! Yung iba deadma at nagkibit-balikat lang. Pahirapan! Hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa akin at tinanong ako,
"Ano'ng nangyari sa iyo? Bakit bigla ka na lang umalis? Nakuha ko na yung piso!"
Hindi ako makapaniwala sa nakita kong iyon. Nagawa pang ipakita sa akin nung lalaki yung piso... at yung lalaki ay si Jomari mismo!
Kung ito mang kakayahan kong makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng pangkaraniwang mata o makaramdam ng mga kakatwang bagay sa paligid na hindi nararanasan ng pangkaraniwang tao ay bigay ng Maykapal, sinasabi ko sa inyo, sinusumpa ko itong kakayahang ito!
Hindi ako nakapagsalita agad. Napatitig na lang ako sa kanya.
"Uy, Bianca! Bakit parang nakakita ka ng multo riyan?" Nagawa niya pang magtanong sa akin.
Hindi "parang" nakakita ng multo! Kaluluwa na lang talaga yung nakikita ko at kumakausap sa akin! Nag-ipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. Napailing ako dahil hindi ko matanggap na wala na nga si Jomari!
"Jomari..." pasimula ko. Hirap na hirap ako. "Patay ka na!" umiiyak kong sinabi.
At nang mamulat si Jomari sa katotohanan, nang mapansin niyang sa mga bisig ko ay ang duguan niyang katawan, nabitawan niya ang hawak-hawak na piso.
"Sorry... Sorry Jom..." sabi ko sa kanya. Umiiyak ako habang niyayakap ang duguan niyang katawang-lupa.
"Hindi!!! Hindi pa ako patay!!!" ang sigaw na pumailanlang sa buong paligid.
Matapos ang pangyayaring iyon, bigla na lang siyang nawala.
---
Mula sa naghatid ng mga nakakatakot kunong kuwentong,
MAMAMATAY NA AKO... BUKAS!
at
PAPATAYIN KITA... MAMAYA!
Ay isa na namang kuwentong magpapakilig (Dahil love story talaga ang trip kong gawin. Ewan bakit ako nagsusulat ng horror.)
bibitin sa inyo (Dahil matagal ang update.)
at mag-iiwan ng tanong sa inyong isip (Dahil gusto ko lang talagang pasakitin ang mga ulo ninyo sa pag-iisip ng sagot sa mga misteryong inimbento ko lang naman.)
Ang ikatlong installment ng MNAB at PKM Series... (Sulat ako nang sulat kahit walang nagbabasa. Nyahaha!)
PINATAY SIYA... KAHAPON!
Sundan ang kuwento ni Bianca at ng kanyang pagbalik sa kahapon, sa mga alaala ng masasayang sandali (at naunsyameng pag-iibigan nila) ni Jomari. Ano nga ba ang misteryo sa pagkamatay ng matalik niyang kaibigan?
Alamin din ang kuwento sa likod ni Ehrie "Rhee" Villena, ang bagong tauhan ng kuwentong ito, na nakaranas din ng mapait na kahapon... Kahapong hindi niya matakasan.
Lahat ng iyan ay masasaksihan... (Pag sinipag na ako magsulat. Wahaha!)
ABANGAN.
BINABASA MO ANG