Seers of Unseen Life Forms... Paranormal Expert, Jomar Silvia...
Para akong nag-yelo sa kinauupuan nang magpakilala siya sa akin. Sa ganitong pagkakataon kung kailan malabo ang lahat tungkol sa pagkamatay ni Jomari, coincidence ba o sinadya talaga ng pagkakataon na makilala ko siya? Ano ang dahilan at pinagtagpo kami ng tadhana? Matulungan niya kaya ako sa paghahanap ng kasagutan kung bakit pinatay o sino ang pumatay kay Jomari? Oo, alam kong hindi siya isang detective o pulis, pero baka makatulong siya para “makita” kung ano talaga ang tunay na pangyayari bago ang aksidente. Parang yung mga napapanood ko sa pelikula!
"Nakakakita ka ng... multo?" tanong ko sa kanya. Kumakabog ang dibdib ko habang naghihintay ng isasagot niya.
"Mga kaluluwang ligaw, di matahamik, mga di makatawid sa kabilang mundo, nagwawala at galit na galit, at kung anu-ano pa. Lahat yan, na-encounter na namin," sagot niya.
Namin? Ang tinutukoy niya kaya ay mga kasamahan niya? Gaano kaya sila karami? Sinu-sino kaya sila?
"Sinabi mo nandito yung lalaking kasama ko..."
"Umalis siya noong umakyat ako rito. Na-conscious siguro kasi may tao."
"Nasaan na siya? Alam mo ba?"
Umiling si Jomar, "Hindi ko alam. Pagala-gala naman talaga sila, pero yung iba nag-i-stay lang sa isang lugar. Inaari nilang teritoryo nila yung lugar na yun, tapos hindi na sila aalis."
Hindi ako maka-relate sa mga sinasabi niya. Wala naman kasi talaga akong interest sa paranormal things (noon). Siguro kung magkakausap sila ni Jude, mas magkakaintindihan sila.
"Alam mo... Gusto ko siyang makita," malungkot na pagkakasabi ko. Pakiramdam ko walang sigla ang araw ko pag wala si Jom.
Nagulat na lamang ako nang biglang lumamig ang paligid nang sabihin ko iyon. Iba itong lamig sa lamig na dala ng hangin. Tiningnan ko ang mga balahibo ko sa braso. Nakita kong nagtatayuan ang mga iyon.
"Nilalamig ka ba?" tanong niya.
"A oo..." tugon ko habang hinihimas ang mga balahibo ko at sinusubukang pababain ang mga iyon.
"Gusto mo ng jacket? O ng yakap ko?"
Yakap talaga? Napa-ngisi ako. Why do I have this feeling na "dumada-moves" sa akin itong si Jomar?
"Hindi maganda ang pakiramdam ko. Feel ko may ibang naririto na kasama natin, " sabi kong natatawa.
"Meron nga. "
"Huh? Meron? Siya na ba yun?"
Agaran siyang sumagot, "Meron nga, pero hindi siya yung lalaking kasama mo. Siya yung bumulong sa iyong babae kanina."
Nagulat ako. Pati iyon, alam niya?
"Ano?!" laking tanong ko.
"May bumulong sa iyong babae kanina, noong magkausap tayo. Kaya ka biglang nagpaalam sa akin, di ba?"
Natatakot ako sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko marami siyang alam tungkol sa paranormal things.
"Meron nga. Akala ko kaklase ko. Kaboses kasi."
"Alam mo bang nakita ko siya kanina?"
"Talaga? Sino siya?"
"Hindi ko alam kung sino siya. Pero nandito siya... Bianca. At masama ang tingin niya sa iyo."
"Ano? Bakit?"
"Hindi ko alam. Nakikita mo ba siya?"
"Hindi ko siya nakikita."
BINABASA MO ANG