Ano nga uli yung binanggit ni Jude? Hindi ko mabigkas.
"Mon-- Mon-- Ano?"
"Monile Lucem, yun ang tawag nila rito," sabi ni Jude.
"Mon... nile... Luc... cem..." pagbigkas ko nang dahan-dahan.
"Oo, Monile Lucem."
Monile Lucem... Hmm. Sounds foreign to me.
"Ano'ng ibig sabihin nun?" tanong ko sa kanya.
Napaisip si Jude. "A... Ano ba? Hmm. Necklace of Light."
"Necklace of Light..."
Necklace of Light? And what does that necklace supposed to do? May ganun pala. Akala ko sa mga fictional at fantasy stories lang yun nag-eexist.
"Ibinigay sa iyo ni Jomar Silvia ito?" pagkumpirma niya.
"Oo. Sabi niya kasi kaya raw akong protektahan niyan sa elements na hindi natin nakikita."
"Yup. Ganoon nga ang power nito. Very magical, di ba?"
Magic... Sa panahon ngayon kung kailan halos lahat dinadaan sa science at scientific basis ang explanation ng mga bagay-bagay, may puwang pa ba ang magic sa isip ng mga tao?
"Sabihin mo nga, na-meet mo na ba siya before?"
"Hindi, kakikilala ko lang talaga sa kanya noong isang araw. Alam mo naman, di ba, nitong mga nakaraang araw, sobrang depressed ako sa pagkawala ni Jom."
Alam kong mapagkakatiwalaan din naman si Jude, pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanya lahat. Mamaya masabi niya na naman kay Rhee yung mga bagay na hindi naman dapat malaman nung isa kaya medyo nagsinungaling na lang ako kung paano ko talaga kilala si Jomar.
"Then, ayun, umakyat ako sa roof top para maglabas ng sama ng loob. Ayoko namang makita ninyo akong umiiyak, at ayun, nakita ko siya roon at nagkakilala kami."
"For someone like you, Bianca, na hindi naman talaga affiliated kay Jomar or sa any member ng SOUL, at bibigyan ka nito, you must be really lucky and special."
"Special? Bakit naman ako magiging special?" tanong ko.
Paano ako magiging special agad sa taong kakikilala ko pa lang? Kundi baliw, psychotic siguro yung taong ma-attract sa akin agad.
"May 'gift' ka, di ba?"
That struck me. Pero nakakatawa! Itong recently discovered kong "powers" ay considered as gift? Hindi mo ako mapapaniwalang ganun nga yun.
"Tell me, naikuwento mo ba sa kanya yung tungkol doon?"
"A oo, alam niya yun."
"That's it! The fact na may kakaiba kang gift like seeing creatures which normally cannot be seen, hindi na ako magtataka kung isang araw, mapasama ka na lang bigla sa kanila."
"Mapasama saan?"
"Magiging member ka ng SOUL! Yung ganun! It's one big hell of opportunity, Bianca! I-grab mo na yun! Imagine, lalabas ka sa DVDs nila. You will become an instant celebrity and you will be admired by panormal freaks na tulad ko!"
Teka... Celebrity? Ako, magiging sikat? Kahit kailan, hindi ako nangarap ng ganoon! Ako yung tipong gusto na lang na hindi mapansin kaysa sa pagpiyestahan ng media at makilala pa ng mga tao.
Bumalik kami muli ni Jude sa usapan tungkol sa kwintas.
"Jude, baka gusto mo pa akong kuwentuhan ng tungkol sa kwintas na yan," pagbabakasakali ko na hindi naman niya binigo.
BINABASA MO ANG