Pinatay Siya... Kahapon! (11)

169 7 1
                                    

"Ulila na kami sa magulang," pagsisimula ni Rhee. "Our parents died when we were very young."

Di pa man din marami ang nasasabi niya ay natigilan siya at dumukot ng panyo mula sa bulsa. Nag-alala si Jude at nagtanong sa kanya, 

"Rhee, ok ka lang?" 

Tumango si Rhee. "Wala ito," sabi niya, at idinampi ang nakuhang panyo sa gilid ng mga mata niya kung saan may namumuong luha. "Ganito talaga ako pag naaalala ko yung past. Kaya nga minsan ayoko nang isipin yun e!" Alam kong mahirap ang pinagdaanan niya. Hindi biro ang mawalan ng kapatid, lalo na ng mga magulang. Nagpatuloy siya,

"Lumaki kami sa grandparents namin. Hindi ko alam kung ano ang ikinamatay ng parents namin kasi hindi naman namin yun napag-uusapan. Umiiwas din sina lolo at lola kapag tinatanong ko kung bakit namatay yung parents namin. Huwag na raw naming hanapin yung wala. Basta ang alam ko, seven years old si ate at three years old ako nang iniwan kami sa grandparents namin somewhere in Quezon Province. Kung sino ang nag-iwan sa amin doon, hindi ko na nalaman. Basta sabi ni ate sa akin noon, kamag-anak daw namin."

Mabuti at may nagmalasakit na kamag-anak sa kanila. Maigi na yun kaysa napabayaan silang dalawa.

"Mga albularyo sila, sina lolo at lola," pagbabahagi ni Rhee. 

Nasurpresa ako. Albularyo... Sikat na sikat yan sa Pilipinas. Sila yung nagpapalayas ng mga masasamang espiritu, o nagpapagaling ng mga karamdamang hindi kayang ipaliwanag o gamutin ng mga doktor. Sila yung takbuhan ng mga taong walang sapat na pera para ipagamot ang iba-ibang sakit na nararamdaman nila. May ilang nakapagpatunay na nakapagpapagaling nga ang mga albularyo. May iba namang nagsasabing nanloloko lang sila ng mga tao.

"Liblib yung lugar na tinitirhan namin. Malawak yung lupain. Sarili nilang lupa iyon na minana pa sa mga ninuno nila. Pati yung kakayahan nila sa panggagamot, sa ninuno rin nila nakuha. Kahit na malayo yung lugar na tinitirhan namin, ang dami pa ring pumupunta kina lolo at lola para magpagamot. 

"Bata pa lang ako, nakita ko na kung paano kumilos ang demonyo sa buhay ng mga tao. Sina lolo at lola, they specialized in any kind: mga nabarang, nabati ng duwende, naengkanto, nasapian, and all sorts. Lumaki kaming naging katuwang nila sa panggagamot nila sa mga may ganoong kaso. No wonder naging matapang kami ni ate. Nakatira kasi kami sa paranormal world. Marami kaming nakakatakot na nasaksihan. Marami na rin kami nakitang mga taong inagawan ng buhay. Doon umiikot ang mundo namin."

Kaya siguro ganoon yung hilig na isulat ni Rhee sa University Column, kasi nabuhay siya sa ganoong mundo, sa mundo ng kababalaghan at kamatayan.

"Things changed nang magkasakit si lolo and eventually died. Sinundan siya ni lola days after. May ilang nakapagsabing baka ginantihan sila ng mga nilalang na kinalaban nila noon. Alam mo na, yung mga engkanto, duwende, ganun. Pero matanda na rin kasi si lolo kaya kailangan niya nang magpahinga. Si lola naman paniguradong nawala dahil sa kalungkutan. Sa pagkawala nila, dalawa na lang kaming naging magkatuwang ni ate sa buhay. Alam kong may kamag-anak kami, pero hindi naman namin sila kilala. Sa ilang taong pagtira namin kina lolo at lola, wala kaming nakitang anino ng kahit na isang kamag-anak namin. Hindi rin kami sigurado kung aampunin nila kami, kaya sinikap naming mabuhay nang kaming dalawa lang. Nagtanim kami ng mga gulay at prutas. Nag-alaga rin kami ng mga hayop para may makain kami. Ibinebenta rin namin ang iba para may pera kami. May ilang kliyente rin ang nagmagandang-loob at tinulungan kami."

Habang nagkukuwento si Rhee tungkol sa ate niya, pumasok bigla sa isip ko ang imahe nito. Nakita ko na minsan sa pangitain ang ate ni Rhee. Maganda ito at may maamong mukha. Narinig ko ang sigaw nito nang maabutan ito ng masasamang tao. Nakita ko kung paano ito bumagsak sa lupa, kung paano tumingin ang magagandang mata nito kay Rhee kahit wala na itong buhay.

Pinatay Siya... Kahapon! (MNA...B! and PK... M! Series) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon