-9- It's a Blessing
"Hey, what's wrong?" umiling ako at pilit ngumiti.
"Wala, bumangon ka na. Mag-eempake pa tayo" mamayang hapon na yung balik namin ng Manila. Hindi naman ganon kadami yung mga gamit namin kaya hindi na kami nag-empake kagabi.
Bumangon ako at inabot yung robe para takpan ang hubad kong katawan. Umupo naman ito sa kama at pinanuod akong magbihis. "I know there's something wrong. Tell me"
Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya. "Pano kung mabuntis ako? We did it several times, ni minsan hindi tayo gumamit ng protection"
Tumayo siya at niyakap ako, na-amoy ko na naman yung pinaghalong perfume at natural scent niya. Addict na nga ako sa amoy niya.
"Edi maganda. Pag nabuntis ka, ibig sabihin ay wala ka nang kawala sa akin" hinampas ko agad.
"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! I know that you're financially stable pero ako hindi. May mga pangarap pa akong gustong abutin. Ni hindi panga ako graduate ng college"
"Anong problema don? Makaka-graduate ka parin naman kahit buntis ka. After you graduate, susuportahan kita sa mga pangarap mo. Hindi naman ibig sabihin na mawawala lahat pag na-buntis ka"
"No, you don't understand. I have plans in life. Mga plano na magagawa ko lang kung wala pa akong anak. Gaya ng pagtatrabaho abroad, isa pa ay bata pa ako. I'm just 21 at marami pang opportunities na dapat unahin. Pati ikaw 24 ka palang, oo na't sa ganyang edad ay successful kana pero ako hindi pa" matagal na katahimikan ang namagitan sa amin.
Iniisip ko na to kagabi, paano pag isingil niya sa akin yung wedding proposal? Bakit ko pa tinggap kung hindi pa pala ako handa? Inisip ko nalang na maiintindihan niya. Napatunayan ko naman na kung gaano ko siya kamahal, I gave him everything. Ito lang ang hinihiling ko, I hope okay lang ang long engagement sa kanya.
"Okay" he finally said. "Pero hindi tayo nag-ingat nitong mga nakaraan. Baka nga may laman na"
Napalunok ako at pilit tumawa.
"Wala noh, I'm sure I'm not pregnant. Mararamdaman ko naman yun kung may laman to. Mag-iingat nalang tayo sa susunod" kasi naman hindi na ako nakakapag-isip ng tama pag anjan na. I should really be careful next time.
"I hope okay lang sayo ang long engagement?" alangan kong tanong.
"Of course, kung iyan ang gusto mo. Ikaw lang naman ang gusto kong pakasalan, kung hindi ka pa ready edi maghihintay ako. Basta ang importante, nangako na tayo sa isa't-isa. Tayo ang magpapakasal, we're already engaged right?"
"Right, Salamat. I love you" niyakap ko na rin ito at inamoy ang nakaka-addict na amoy niya.
______
Nung makabalik na kami ng Manila ay hinatid muna ako ni Trimaine kina Aunty bago siya dumiretso sa hotel. Pareho kaming wala sa hotel ng ilang araw, ayaw kong may kahit na sinong manghinala sa aming dalawa.
Ilang araw ang lumipas nung ipatawag ang mga empliyado maging kaming mga intern para sa isang briefing. Darating daw ang mahigit dalawampong business partners ng hotel para sa gaganaping conference sa mga susunod na araw. Lahat ng mga dadalo ay VIP at kailangang masigurado ang kaligtasan at dapat ay walang maging problema sa pananatili nila sa loob ng hotel.
Ilan sa mga VIP na galing ibang bansa ay hindi na nagdala ng sasakyan sa pagkat may service shuttle naman ang hotel. Ang problema ay marami rin sa kanila ang nagdala ng kanya kanyang secretary/assistant at ilan pa ay kasama ang asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/55120337-288-k325365.jpg)
BINABASA MO ANG
No Limit - Games of Risk #1 (COMPLETED)
Lãng mạnParang gulong ang buhay. Minsan nasa baba ka, minsan naman nasa taas. Hindi mo alam kung kelan ka aangat, hindi mo rin alam kung kelan ka babagsak. Parang sa buhay ko lang. Sa mga panahong akala ko ay nasa akin na ang lahat, doon naman nawala lahat...