-16- The Blind Man

5.2K 146 0
                                    


-16- The Blind Man

Kahit inaantok pa ay maaga akong gumising dahil sa appointment ko with Dra. Valdez. Nagulat ako nung paglabas ng kwarto dahil andon at naghihintay si Trimaine.

"Antagal mo" yamot niyang sabi.

Aba, malay ko ba na naghihintay pala siya. Naglakad ito patungong kitchen, sumunod naman ako.

"May pupuntahan ka?" Nanibago kasi ako sa suot niya ngayon. Hindi siya naka business attire na kagaya ng lagi niyang suot araw-araw. He's wearing a black v-neck shirt and a blue faded pants.

And I must admit, he look really hot with those clothes. Yan ang advantage ng mga magagandang nilalang eh, they can look adorable without exerting any effort.

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko mapigilan ang tumitig sa kanya. Pinaghila muna ako nito ng upuan bago sagutin ang tanong ko. "Ngayon naka schedule yung checkup mo with Dra. Valdez hindi ba? Sasamahan kita"

So tama yung hinala ko tungkol sa schedule niya this Sunday? Nilaan talaga niya ang araw na to para samahan ako?

Hindi na ako nagulat sa mga tingin ng mga epliyado sa amin nung dumaan kami ng lobby. May mga nabigla at nagbulungan, meron din namang nanahimik lang pero halata ang nagtataka sa mga mata at ang pinaka hindi ko inaasahan ay may mga nabigla pero agad ding ngumiti. Tama si Lenny, may kanya kanyang opinyon ang mga tao. May mga tao talagang huhusgahan ka at meron ding maiintindihan ka.

Nahihiyang ngumiti nalang ako kina ate Rhian na nakangiti sa Front Desk. Inginuso pa nito si Trimaine at umarko ang katagang ulam sa bibig nito. Natawa ako at sumabay kay Trimaine na parang diyos na naglalakad palabas ng lobby.

Nanibago si Dra. Valdez sa pakikutungo ko sa kanya. Paano kasi ay lagi ko siyang sinusungitan nung na-admit ako dito sa ospital. Nung una ay kay Trimaine nakadirekta ang mga tanong niya, tungkol lahat iyon sa mga pagbabago sa akin nitong nakaraang linggo. Sinasagot naman ni Trimaine ang mga iyon pero bakit siya ang tinatanong eh ako naman ang nakakaramdam? Diba dapat ako tanungin niya? Umiiwas na sigurong masungitan kaya hindi ako ang kinakausap.

Para mawala ang awkwardness at maipakita na interesado rin naman ako ay nagtanong tanong ako ng mga bagay tungkol sa mga Do's and Don't s sa pagbubuntis. Kung ano yung mga dapat at hindi dapat gawin. Nilinaw ko din yung tungkol sa pagtatrabaho ko. Gusto kong ipakita kay Trimaine na OA siya sa pagbabawal sa akin na magtrabaho. Napangiti si Dra. Valdez at sinabing kita naman daw niya ang sigla sa akin kaya pwede na akong magtrabaho. Huwag lang yung mga mabibigat na gawain, makakabuti din iyon para makapaglakad lakad ako.

Pagkatapos ay dumiretso kami ng mall para mamili ng gamit para sa baby. Nagtatawanan kami nung mapalingon kami dahil may tumawag sa pangalan ni Trimaine. "Gosh! It's you! Sabi ko na nga ba ikaw yan eh!"

Pamilyar yung mukha nung babae. Morena at matangkad siya, sa suot na maiksing dress ay kitangkita ang kaluluwa at mahahabang legs nito. Napairap ako sa kawalan nung maalala kung sino siya.

"Are you alone? What are you doing here?" maarte nitong tanong.

Nakangiting tumingin sa akin si Trimaine at inakbayan ako. "No, he's not alone. As you can see he's with me" mataray kong sagot.

"Geez, Georgina! Hanggang ngayon pinagseselosan mo parin ako? C'mon it's been years!" muli akong napairap.

"At hanggang ngayon assuming ka parin. Selos agad? Hindi ba pwedeng nakaka-irita ka lang talaga?"

Here you go people, meet Betty, hindi ko alam kung anong namagitan sa kanila noon ni Trimaine pero isa siya sa mga malalanding ayaw layuan noon ang boyfriend ko. Madalas namin siyang pag-awayan noon, gusto kong layuan siya ni Trimaine pero hindi daw niya magagawa iyon dahil matagal nang magkaibigan ang dalawa.

No Limit - Games of Risk #1  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon