-15- Old Friend

5.1K 133 0
                                    

-15- Old Friend

Pagka-akyat ng penthouse ay hinila ko si Trimaine sa kwarto niya. Gulat ito pero hindi nagsalita.

"Where's the ring?!"

"What ring?"

Umirap ako, alam kong alam niya ang tinutuloy ko!

"The ring! Yung binigay mo! Yung tinapon ko sa mukha ko sa ospital! I need it!"

"Tinapon mo naman pala, ba't sa akin mo hinahanap?"

Damn!

Alam kong may hinanakit siya pero hindi ngayon ang oras para jan. Alam kong mali iyon at nasaktan siya sa ginawa ko pero masisisi niya ba ako? I was hurt too!

"I know what I did was wrong but I need it. Gustong makita ni tita eh"

"May halaga parin pala yun? Sa paraan kasi ng pagtapon mo parang kulang nalang gawin mong basurahan yung mukha ko eh. Kung wala lang siguro ako dun, sa basurahan mo yun tinapon" napakagat ako sa ibabang labi.

Damn! He's right!

"Do you still have it? Kung wala na, pwede namang sabih-"

"It's here" naglakad siya papalapit sa closet at kinuha ito mula sa isang drawer. "Hindi ko alam kung bakit ko pa to pinulot. Alam kong hindi mo na yan isusuot pero umasa parin ako. Here" ilalahad ko sana ang palad ko para abutin iyon pero patalikod kong itinaas ang kaliwang kamay ko. Pinaglayo ko ang mga daliri at itinaas ang ring finger, gusto kong isuot niya iyon sa akin.

Sa lahat ng nangyari, sa lahat ng sakit, isa lang ang gusto ko, isa lang ang narealize ko, that I really love him and I still want to marry him. Siya lang. Ngumiti siya at isinuot iyon sa akin.

"Salamat" hindi ko alam kung para saan yun kaya nagtatanong ang mga mata kong bumaling sa kanya.

"Thank you for wearing it again" ngumiti ako at tumango.

Bakit naman hindi ko ulit susuotin? Iyan ang alas ko oras na bumalik si Camilla at agawin ka niya sa akin.

Tuwang tuwa si tita nung makita yung singsing. May taste daw talaga yung anak niya. Sa kanya ko din nalaman na mahigit dalawang milyon ang halaga ng singsing na iyon! Kung hindi lang pala kinuha ni Trimaine iyon ay ibig sabihin, nagtapon ako ng mahigit dalawang milyon?!

_____

Gaya ng nasa schedule ay naging abala si Trimaine sa mga appointments nito. Apat na araw siyang wala kaya lagi akong dinadalaw ni tita Adie, nakakatulong narin ako sa mga paperworks sa office. Pinilit ko si Lenny, kinonsensya na wala akong matututunan pag palaging ganon. Nangako nalang ako na walang malalaman si Trimaine.

"Close talaga kayo ng mommy ni Sir noh?" tanong ni Lenny, hindi yan nagsasalita pero alam kong marami siyang alam.

"Oo, wala kasi siyang babaeng anak kaya ganon ang turing sa akin"

"Bagay kayo ni Sir, hindi ko alam ang mga nangyayari pero alam kong mahal na mahal ka niya" nakangiti niyang sabi. Bakit ba lahat nalang iyan ang sinasabi?

"Uhm, Lenny pwedeng magtanong?"

"Oo naman, ano yun?"

"Anong alam mo tungkol sa amin?"

"Huh?"

"Paano mo nasabing mahal niya ako?"

"Ah, iyon ba? Halata naman kasi, yung pagtitig niya sayo. Yung simpleng pag-aalaga niya sayo. Naiinis ka dahil hindi ka niya binibigyan ng mga gagawin, hindi mo lang alam na paraan niya iyon para alagaan ka"

No Limit - Games of Risk #1  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon