-3- Since you left me

5.9K 177 0
                                    




-3- Since you left me

Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. Suot ko ngayon ang uniform ng receptionist ng isa sa mga restaurants dito sa Anthea. Itim ang blazer at pencil skirt nito na two-inch above the knee at may twist na metallic green para i-emphasize ang concept ng restaurant.

"Para lang mino-model mo ang uniform ah. Pati paglakad, sanay na sanay!" komento ni Maya.

"Ikaw din naman, bagay na bagay sayo yung uniform ng FO-agents. Baka i-hire kana dito pagkatapos!" tumawa ito.

"Sige, bola pa. Alam naman nating malayong mangyari iyon. Ikaw itong may mas malaking chance na ma-hire"

"Hindi natin masasabi yan. Marami pang pwedeng mangyari"

"Sige, balik na ako sa Front Office. Sabay ulit tayong maglunch bukas ha?" tumango ako.

"Sure, 2pm parin naman ang break ko kaya sabay parin tayo. Kita nalang tayo ulit dito?"

"Sige, good luck sa unang araw sa F&B!" napangiti nalang ako. Maganda pala ang pakiramdam na may kaibigan? Hindi sa hindi pa ako nagkakaroon ng kaibigan. What I mean is, I never had a real friend. Yung totoong may paki-alam sayo at mahalaga ka sa kanila.

Hindi naman ako nahirapan sa pag-assist ng mga nagda-dine na guests. Salamat sa natural kong personalidad at dati kong buhay ay hindi iyon naging challenge sa akin.

Humanga sa akin ang manager ng restaurant sa galing ko sa pag-upsell ng mga pagkain at inumin. Oo nga at HRM student ako at may nalalaman sa mga mamahaling wines at champagne pero iba parin pag lahat ay natikman at saulo ang bawat ditalye dito. Yung vintage, variety maging ang vineyard.

Isa pa ay gustong gusto ko ang ginagawa ko. Sa pakikitungo ko kasi sa mga guest ay para akong bumabalik sa dati kong buhay. Napapakinabangan ko yung kaalaman ko tungkol sa mga taste ng mayayaman. Gaya nga ng linya ni Ann Curtis sa isa nitong pelikula " I know the market because I am the market" ibahin ko nalang siguro iyon at gawing "I know the market because I was the market"

Isang araw ay nagwawala ang isang guest sa restaurant. Mali daw ang ibinigay ng wait staff dito na pagkain. Beef steak iyon pero may special request na huwag lagyan ng black pepper dahil may allergy dito yung guest. Nagkapalit ang pagkain kaya iba ang nai-serve sa guest.

Kita ang unti-unting pamumula ng mukha nito at ilang pantal na bunga ng nahalong black pepper.
Wala ang manager ng restaurant at kasalukuyang ipinatawag ang floor supervisor. Naaawa ako dun sa isang wait staff dahil ilang beses itong minura at patuloy na sinisigawan nung diner. Hindi rin maganda na magsisigaw yung diner sa dining area dahil pinagtitinginan ito ng ibang kumakain.

Sinubukan kong kausapin yung guest para kahit papa-ano ay mailayo ito sa dining area pero galit talaga ito at walang gustong pakinggan. Hinayaan ko itong ibuhos ang galit hanggang kunin nito ang isinerve na steak at itinapon sa mukha ko! Hindi pa nakontento at pati tubig ay ibinuhos sa akin!

I was shocked and stunned at the same time. But that wasn't an excuse to lose my temper. I manage to hide my emotions for years. I've been through worse and I was trained how to deal with customer complaints so there's no way I will lose control.

Hanggang sa isang maotoridad na boses ang umukupa sa buong paligid. Si Trimaine! "Mr. Tan, I apologize to the failure of my employee. It is our mistake, the management will take charge of this. With all due respect, I'm asking you to leave the restaurant for us settle things in the manager's office"

Sarkastikong tumawa yung matanda. "Do you even know who you're dealing young man? Do you know who I am? Did your father brief you well on how to deal with me?"

Nagtagis ang bagang ni Trimaine, gumalaw ang panga nito sinyales na nagpipigil ito ng galit.

'' He brief me well about your investments in our company but I assume you were also brief about this young man in front you. I guess you know I don't follow orders, not even an order from my father" Anger was written on Trimaine's face. I know he is really mad right now. I know that.

"You will never be like your father! You're his mistake and will remain as one!" galit na galit din si Mr. Tan na lumabas ng dining area. Nakayuko lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.
Bigla ay hinila ako ni Traimaine palabas ng restaurant. Pumasok kami sa isang conference room. Padabog niya iyong isinara.

"What the fuck was that Georgina?!"

"Sir, I'm really sorry about what happen. Hindi ko po ipagkakaila na malaki ang kasalanan namin sa nangyari"

"I'm not talking about what happen! I'm talking about you! What you did! What the hell was that?! Hindi ikaw yun! Hindi ganon ang gagawin ng Georginang kilala ko!" napapikit nalang ako.

Tama siya, kung ako parin ang Georginang nakilala niya noon ay hinding hindi ko tutulungan yung isang wait staff o di kaya ay uunahang buhusan ng tubig yung matanda. Pero gaya ng sinabi niya, yung ginawa ko ay hindi gagawin ng Georginang kilala niya. At hindi na ako ang Georginang iyon.

"I believe what I did was the right thing to do sir. I can't allow him to yell inside while there are lots of guest dining inside the restaurant. He was just mad, he has the right to be mad because of what happen" Customers are always right diba? At iyong ang laging ipinapaalala sa amin. Sa totoo lang ansarap magtaas ng middle finger sa naka-isip ng paniniwala na yan lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Pero wala kaming magagawa dahil ito ang napili naming career kaya wala kaming choice kundi sumunod. I believe customers aren't always right. But since we wanted them to feel important, we need to make them feel that they are always right. That is the rule, and we need to deal with it.

He smirked "Since when did you think about doing the right thing Georgina? Since when? Ngayon pa?" he said mockingly. Mahina lang iyon pero anlakas ng impact sa akin. Magmartsa ito palabas, nakatingin lang ako sa pinto na nilabasan nito.

"Since you left me" mahinang sagot ko kahit alam ko na hindi niya maririnig iyon. Natuto akong gawin ang tama simula nung iniwan niya ako, or should I say nung napagod na siya?

No Limit - Games of Risk #1  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon