-14- The Ring

5K 142 0
                                    


-14- The Ring

Kinabukasan ay ganon ulit ang nangyari, ayaw parin nila akong bigyan ng gagawin. Nanahimik nalang ako at muling binuksan ang mga accounts ko. Wala si Trimaine dahil may conference meeting. Busy yun hanggang eleven mamaya. Abala ako sa pagscroll  sa mga nakapost sa wall ng IG ko nung muntik akong mapatili dahil sa biglaang pagbukas ng pinto.

"Oh ghad! My baby girl. Hijo, is it true?! Georgina is here?! Totoo ba?!" Patuloy ito sa pagtatanong kahit wala naman si Trimaine na kausap ata niya.

"Tita Adie!" agad akong tumayo para mayakap siya. Tuwang tumili ito at tinakbo ako para yakapin.

"Oh ghad! Totoo nga! You're here!" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, pati buhok ko ay hinawakan nito at sinuri. Pina-ikot pa niya ako para makita ang mga pagbabago sa akin.

"Baby, bakit naman pumayat ka lalo? Sexy ka na noon kaya hindi mo na kailangang magdiet. And your hair? What happen to your hair? Dry na siya oh? Even your skin! Mabuti nalang at natural na maputi at smooth ang balat mo kaya ang kinis paring tignan. Pero kailangan mong alagaan yan. Didn't I told you that soap and body wash isn't enough? Kailangan mo ng roses and milk para ma-maintain ang balat mo"

Nahihiya akong ngumiti, hindi parin nagbabago si tita.

"Tita naman, sa lahat talaga ng mga nagbago sa akin yung mga pangit ang inuna? I became taller, mas gumanda rin ako and guess what" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay tumili kami pareho. Well, girl's code. Were talking about my boobs and butt.

"Pansin ko nga hija, look at you! Ghad, My pretty baby girl turn into a gorgeous lady! Tinuloy mo ba yung pagsali mo sa mga pageant? I'm sure siguradong panalo ka sa mga yun! Yung mga dating pageant panga lang na sinasalihan mo noon, palagi ka nang panalo. Ngayon pa kaya?"

Tipid akong ngumiti.

"Eh, tita I stop joining pageants na po eh"

"What?! Why?! I told you, you were born to become a beauty queen!" umarte itong nalulungkot.

Natawa ako dahil kahit ilang taon na si tita ay hindi talaga nawawala ang pag-akto nito na parang bata. "Ayaw mo na ba? Iba na yung mga interests mo ngayon?"

"Nawalan na po ng oras eh. Nung makulong kasi si dad, everything w-"

"Oh, yah! I heard about your dad. I'm really sorry I wasn't here when you need me. Nag-alala talaga ako sayo noon, kaya kahit ayaw ni Trimaine ay bumalik ako ng Manila para makita ka. Nalungkot ako nung hindi na kita naabutan sa condo mo. Your neighbor said, binenta mo na daw yung condo. Tinawagan din kita at minessage sa emails at Facebook pero wala kang sinagot. I was thinking na baka galit ka na rin sa akin. Na damay ako sa away niyo ni Trimaine"

Natatawa akong yumakap dito. "Sorry po, kasi andaming bullies noon kaya nagpalit ako ng number. Hindi ko narin inopen yung mga old accounts ko kasi puro haters yung mga nagmemessage doon"

"See?! Sabi ko na sayo noon Trimaine! Hindi talaga tamang umalis ka ng Pilipinas noon. She was even bullied! The nerve of those people!" Nung bumaling ito sa table ng anak saka lang niya napansing wala siyang kausap. Natawa kami pareho.

Bumaling ako kay Lenny na nakasunod kay tita sa pagpasok kanina. Narinig kong pinipigilan pa niya kanina si tita na makapasok. Hindi niya kilala si tita Adie?

  "Okay na Lenny, she's Trimaine's mom"

Nanlaki ang mga mata niya at yumuko ka tita "I'm really sorry Ma'am Adie, hindi ko po alam" tumango ang huli at nginitian siya. Hindi nagtagal ay iniwan narin kami ni Lenny.

No Limit - Games of Risk #1  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon