-11- Selfishness
Nagising ako na may nakahawak sa kamay ko. Am I in a hospital? Gumalaw ako dahilan para magising si Trimaine na nakatulog sa tabi ko. Hinila ko agad ang kamay kong hawak niya. I didn't even know he's here!
"Thank God you're awake! Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? May kailangan ka ba? Tell me" hindi ako nagsalita.
"The doctor said you fainted because of--"
"Leave" mahina pero madiin kong sabi. Hindi ito agad nakasagot.
Why is he even here by the way?
"Baby, I know y--"
"I said leave, hindi mo ba iyon maintindihan? Hindi mo ba maintindihan na ayaw kitang makita? o baka gusto mong ako ang umalis dito?" nanghihina parin ako pero pinilit kong magsalita para paalisin siya. Habang nakikita ko siya ay naaalala ko yung kasinungalingan niya at unti-unting pagkawala ng lahat sa akin.
Alam kong mali na isisi lahat sa kanya pero iyon ang nararadaman ko ngayon. "Please hayaan mo muna akong bantayan ka hanggang maging okay ka na. I know this is hard for you to be with a coward like me but please, para sa magiging anak natin. Hayaan mo muna ako dito, hayaan mo muna akong bantayan ka"
"If you're here because of the baby then you are free to leave. I don't need you, we don't need you" kita ko na nasaktan siya sa mga sinabi ko pero wala akong pakialam. "Puntahan mo nalang yung fiancé mo"
"What are you saying?! You're my fiancé, remember? Andito ako dahil andito ka, not just because of your condition but because I'm here for you. Ikaw ang pakakasalan ko! Ikaw ang mahal ko"
"Mahal?! Do you even know what love means? How can you say you love me when in fact you didn't even respect me?! You made me your mistress! Ginawa mo akong kabit mo! Naiintindihan mo ba yun?!"
"You are not my mistress!" ganting sagot niya. Mataas na rin ang boses niya gaya ko. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin. Bumuka ang bibig niya pero agad din iyong sumara, parang may gusto siyang sabihing hindi mabigkas.
"You will never be my mistress"
Mahina akong napamura, hindi ko napansing lumuluha na naman pala ako.
"What did I ever do to you to deserve this? Dahil sa ginawa ko noon? Iyon ba?"
"No! I know you don't deserve what I did, that I didn't tell you about Camilla. It's because I was afraid you might leave me, I can't afford to lose you, again" kita sa mga mata niya ang puyat at pagod pero gaya niya ay pagod na rin ako.
I'm tired of all the shits of my life.
"Umalis kana, if you really care for me then leave"
Saglit siyang hindi nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin, maya maya pa ay tumango ito bilang pagsuko.
"Okay, if that's what you want. I'll leave but I will stay outside, I will never leave you. Not again" tumayo siya naglakad palapit sa pinto. Saktong pumasok yung doctor at pinigilan muna siyang umalis.
"May mga importanteng bagay akong sasabihin sa inyong mag-asawa"
Mag-asawa? He told her we're married?!
"Mrs. Fulkner, how long have you known about your pregnancy?"
"Two weeks and it's Ms. Welche. The last time I checked, I'm still single" pagtatama ko dito.
I know it's rude but I don't care. Agad namang humingi ng paumanhin yung doktora at nagpatuloy sa sinasabi.
"Two weeks! Then you're aware that you're five weeks pregnant? You fainted because of over fatigue. You know stress and skipping meals isn't good for the baby"

BINABASA MO ANG
No Limit - Games of Risk #1 (COMPLETED)
RomanceParang gulong ang buhay. Minsan nasa baba ka, minsan naman nasa taas. Hindi mo alam kung kelan ka aangat, hindi mo rin alam kung kelan ka babagsak. Parang sa buhay ko lang. Sa mga panahong akala ko ay nasa akin na ang lahat, doon naman nawala lahat...