-10- Felt Good

5K 143 2
                                    

-10- Felt Good

Lumipas ang ilang mga araw ay hindi kailanman ako sinubukang kausapin ni Trimaine. He didn't try to talk to me, he didn't call, he didn't text. Kahit ano, wala siyang ginawa.

Ansakit! I trusted him, pero sinayang niya. I never cried, kung may bagay man akong ikaka-proud ay hindi kailan man ako umiyak simula nung isinampal sa akin ang katotohanan.

I need to show him I am strong, hindi ako sumuko sa mga pagsubok noon. Walang nakapagpasuko sa akin. Hindi ang tadhana, hindi ang mga kakulangan sa buhay ko, at ngayon ay hindi rin siya.

Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko ang ilang pagbabago sa sarili ko. Madalas akong antukin at mabilis mairita. Hindi ko pa naranasan ang morning sickness pero madalas ay tinatamad akong magtrabaho. Hindi na ako laging ganadong magtrabaho bagay na napansin ng mga kasamahan ko. Humingi ako ng paumanhin dahil alam kong hindi pwede ang laging nakasimangot lalo pa't front liner ako.

Hindi ko alam kung ilang linggo na akong nagdadalang tao, hindi pa ako nagpapacheck-up. Natatakot kasi ako na may makakita sa akin at malaman pa HR ng hotel. Bawal ang buntis sa mga intern. Oras na malaman nilang buntis ka ay wala silang magagawa kundi ang tanggalin ka. Ayaw kong mangyari iyon kaya hangga't maaari, kailangan kong mag-ingat. Mahigit isang buwan nalang naman ang natitira at matatapos na ako sa internship ko.

Lagpas isang linggo na ako ngayon sa Recreation Department, kumpara sa ibang departments ay medjo magaan ang trabaho dito. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit mas lalo akong nabagot, wala masyadong ginagawa kaya pakiramdam ko ay napakabagal ng oras.

"Georgina, labas ka muna sa pool. Walang nagbabantay ngayon doon dahil naglunch yung naka-duty na lifeguard at absent yung reliever niya. May mga nagsu-swimming na mga bata doon. Delikado, wala pa namang mga bantay."

"Sige po sir" sinunod ko ang utos niya. Nagmadali akong lumabas ng fitness gym at nasilaw ako sa sikat ng araw. Mainit ang panahon kaya marami sa mga guest ang nagtatampisaw sa malawak na swimming pool.

Namataan ko ang tinutukoy na mga bata ng Sir Cris, lima sila at sa tingin ko ay magpipinsan. Twelve years old ata yung edad nung pinaka-kuya nila? Wala silang kasamang yaya o sino man para bantayan sila.

Sinadya kong manatili malapit sa kinaroroonan nila at maging alerto sa paligid. Mahigit tatlumpong minuto na akong naroon ay wala paring kapaguran ang mga bata sa paglalaro. Habang hawak ang iniinom kong tubig ay panay ang paypay ko sa sarili. Napakainit talaga nakakapaso sa balat ang sikat ng araw pero gustong gusto parin ng mga bata na maglaro?

Napangiti ako ng pagak. Well, it's something that I will never understand. Lagi akong nakakulong noon kaya wala akong mga kalarong bata. Kailan man ay hindi ko naranasang makalaro ang mga batang kaedad ko noon. Inggit na inggit ako noon sa ibang mga bata. Gusto kong maranasan yung pakiramdam nang maglaro hanggang sa magsawa. Gusto kong maintindihan kung bakit gutong gusto ng mga batang maglaro sa labas, maglaro ng tubig at tumakbo sa ilalim ng araw. I want to understand, but I wasn't given the chance.

Naramdaman ko na naman ang antok kaya tumayo ako at naglakadlakad para mawala ang antok. Natigil ako sa paghakbang nung bigla ay makaramdam ako ng pagkahilo. Nagdilim ang paningin ko at ang huling narinig ko ay ang hiyawan ng mga tao sa paligid.

_____

Inilapag ko yung mga gamit ko sa kama ng maliit kong kwarto dito sa bahay ni Aunty. Hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng sistema ko ang mga nangyari. Nanghihina akong umupo sa kama at inalala kung paanong napunta ako sa sitwasyon na to.

I was terminated, nalaman nila ang kundisyon ko. Hanggang ngayon ay nakikita ko parin yung facial expression ni Ma'am Cathy. Kita sa mga mata nito na mahirap para sa kanya ang desisyon
pero wala siyang magagawa dahil trabaho niya ito. Lumabag ako sa rules ng hotel at ito ang kaparusahan.

No Limit - Games of Risk #1  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon