C H A P T E R 3

276 9 2
                                    

The Man In The Rain
m e o w v i c

Nakikinig ako ng Music sa Ipad ko nang may kumatok mula sa pintuan ng aking kwarto

"Bukas yan" Sigaw ko, bumukas ang pinto at pumasok si ate Ruby

"Maine, pinapatawag ka na ng daddy mo, kailangan mo ng bumaba"

"Sige po, susunod na ako" Ngumiti siya at lumabas ng silid, panabugtong hininga akong tumayo

Pumunta ako sa dining area at naabutan ko si Daddy na nag babasa ng news paper, dahan dahan akong nag lakad patungo sa kanya

"G-Good morning dad" Bati ko, tangkang hahalik ako sa pisngi niya subalit agad siyang umiwas. Napakagat nalang ako ng labi.

Umupo ako sa upuan sa harap niya. tahimik kaming kumakain, tunog ng kutsarang kumikiskis sa plato lang ang syang maririnig. Kahit mahirap ang sitwasyon sa amin ni daddy pilit ko parin itong iniintindi

Napahinto ako ng biglang nagsalita si Daddy

"Anong kurso ang kukunin mo?" Walang emosyong niyang tanong

"W-Wala pa po akong napipili Dad" Nahihiya kong sabi

"Kahit kaylan talaga wala kang pangarap, wala ka talagang mararating" Sabi niya, napayuko ako dahil pakiramdam ko maiiyak nanaman ako

"Gusto kong kumuha ka ng Business Administration, ikaw ang hahawak ng kumpanya balang araw kaya wag mo akong ipapahiya"

"Pero Dad-"

"Walang pero per kaya wag ka ng kumontra. Para sayo din naman ito eh, kesa naman ganyan ka lang, walang patutunguhan, walang pangarap sa buhay. Kaya sundin mo nalang ako" May otoridad niyang sabi, napayuko nalang ako at napatango

...

Nakaupo ako ngayun sa isang coffeshop dito sa Moa hinihintay ko ang bestfriend kong si Valeen pero ilang minuto na akong naghihintay sa kanya pero wala parin siya

Kunuha ko yung phone ko pra iteext sana si Valeen per apahinto ako nang nakarinig ako ng bagay na nabasag

Napatingin ako sa lalaking pinagtitinginan ng mga costumers nakita kong pinupulot niya ang nabasag, may lumapit sa kanyang isang staff at mukhang sinesermonan siya.

"Lagi ka nalang nakakabasag! Ayusin mo naman ang trabaho mo!" Sabi sa kanya pero hindi ko gaanong marinig ang iba nitong sinasabi

Muli akong napatingin sa lalaki, nakaramdam ako ng awa mula sa kanya, hindi ko alam basta pakiramdam ko ang lungkot niya at mukhang ang laki ng problema. hindi ko makita ang mukha niya pero parang nakaramdam ako ng kakaiba pero hindi ko maipaliwanag

"Maine!" Napatingin ako sa babaeng sumigaw. agad siyang lumapit sa kinaroroonan ko

"Aga mo ah" Biro ko

"Sorry na Bes, si Kenneth kasi eh, ayaw akong paalisin" Napairap ako, kunwari pa tong naiis pero deep inside kinilig sya

"Okay, so lets go?"

"Yeh lets go, Im so Excited na, namiss ko kasi kitang kabonding eh" Naunang nag lakad si Valeen palabas ng shop pero bago ako makalabas napalingon at napatingin sa kinaroroonan nung lalaki kaso pagtingin ko wala na siya hindi ko alam pero parang may iba akong nararamdaman sa kanya, kilala ko kaya siya? Nagkita na kaya kami?

...

"Alam mo Maine, bakit hindi ka nalang mag condominium or mag apartment atleast malaya ka" Tumingin ako sa kanya at napabugtong hininga

The Man In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon