C H A P T E R 1

389 17 0
                                    

The Man In The Rain
m e o w v i c


I turn off my music play list at saka tinago ang aking earphone Napatingin ako sa wrist watch ko. It is amost 3 in the afternoon na and I'm still stuck here in the middle of the traffic.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan..,Its raining. napabugtong hininga ako

Bakit kaya kapag umuulan nagkakagulo ang mundo? Laging may traffic, laging rush.

I look up to the dark sky, I don't know why I always felt this kind of feeling tuwing umuulan. Parang ang masaya na malungkot. hindi ko alam basta magaan at mabigat din sa pakiramdam.

Napatingin ako sa glasswindow ng sasakyan. Pinapanood ko ang mga batang masayang naglalaro sa gitna ng ulan na di alintana ang lamig. nakatingin lang ako sa kanila mula sa loob ng aking sasakyan. ang saya lang maging bata. walang kang problema kundi ang pakikipag agawan ng remote ng tv sa kuya mong nanood ng bastket ball dahil gusto mong manood ng doraemon at pati narin sa magulang mo kapag nanonood ng balita. but look at them now. wala silang muang sa paligid nila basta masaya lang sila sa paglalaro sa ilalim ng ulan.

Muli kong naramdaman ang kasiyahan at kalungkutan.

I want to feel the rain. I want to play in the middle of the rain but now, the best thing I can do when it's raining is to let it rain.

Napabugtong hininga ako. Parang napansin ni Kuya Rogelio ang akto ko at para siyang nahiya.

"Maam, pasensya na po ah, traffic talaga eh" Kuya Rogelio said. He is our family driver.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po, wala naman din akong gagawin sa bahay eh" Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang din sa akin si Kuya at hindi nag abala pang sumagot.

Muli kong binalik ko ang tingin sa labas ng sasakyan. napangiti ako habang pinapanood ang mga batang masayang sumasaway sa ulanan and I realize something.

Life isn't about waiting for the storm to pass, it's about learning to dance in the rain. and I want to learn how to dance in the rain.

Napapitlag ako nang biglang may isang batang lalaki ang tumatok mula sa glass window ng sasakyan ko. kundi ako nag kakamali mga nasa edad na 9 years old ang bata. Kumaway siya sa akin at sinenyasan akong tinaas ang hawak niyang bulaklak.

Dahan dahan kong binaba ang binta. napapikit ako nang maramdaman ko ang malamig at mamasa masang simoy ng hangin na tumama sa mukha ko.

"Ate, bili po kayo ng Rosas. Bente pesos lang po" Nakangiting alok sa akin ng bata, napatingin ako sa hawak niyang rosas na basang basa na nakalagay sa loob ng osang maliit na timba. 

Tinignan ko ang bata sa aking harapan na basang basa pero hindi iniinda ang lamig.

"Ah sige" Sabi ko. agad kong kinuha ko yung wallet ko mula sa aking bag at kumuha ng 100 pesos at inabot ko sa kanya

"Ito po" Inabot niya sa akin yung bulaklak. akmang kukuha siya ng panukli nang agad ko siyang pigilan.

"No, it's okay. just keep the change." Nakangiti kong sabi. tumingin rin sa aking ang bata at binigyan ako nang napakagaan na ngiti.

"Salamat po" Sabi niya. Muli akong ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pinanood ko lang yung bata na patungo sa isang batang babae na medyo kaidaran niya.

"Tara na, bili tayong ice cream. Libre ko" Rinig kong sinabi niya sa kasama niyang batang babae. takang tumingin sa kanya ang batang babae.

"Talaga ba? mukhang wala ka pa ngang benta eh" Sabi ng bata sa kanya. napakamot siya ng ulo.

The Man In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon