C H A P T E R 7

12 0 0
                                    

Pinipigilan ko ang aking paghinga habang hawak hawak niya ang aking kamay papasok sa isang gusali.

"Magandang hapon Nico" Bati sa kanya ng isang guard bago kami tuluyang nakapasok. Isang tango nalang ang ibinigay sa kanya si Aldenico. Hindi ko alam pero bigla akong napangiti ako dahil ngayun hindi nalang siya yung isang lalaki sa ulanan na walang pangalan dahil ngayun alam ko na kung sino siya at ang pangalan niya.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanya habang hawak hawak niya parin ang kamay ko hangang makapasok kami sa loob ng elevator. Nang makasakay kami agad niya ring binitawan ang kamay ko.

Tinutok ko nalang ang tingin ko sa aking paa. Tahimik ang pagitan namin at tila wala gustong magsalita at kahit naisin ko hindi ko magawa dahil sa hiya at kabang nadarama ko.

Habang tahimik akong nakatingin sa aking paa, pasimple akong sumusulyap sa kaniya mula sa repleksyon na nakikita ko sa paligid. Tahimik siya habang nakatingin ng diretso.

Bigla kong naalala ang mga nagawa ko nitong nakalipas na oras, hindi parin ako makapaniwala na makakakaya ko palang gawin ang nga bagay na akala ko napakainposible kong magawa. God knows na hindi ko intensyon gawin ang nga 'yon pero everything was done. It's over. Tanging hiya at kaba nalang ang aking nararamdaman.

Muli kong sinubukan na sulyapan siya subalit napansin kong nakakunot ang noo niya at napansin ko rin ang paglalim ng kanyang paghinga. Lalo akong nahiya. Kahit hindi niya sabihin haramdam kong naiinis siya pero wala siyang magawa. Bigla ko tuloy hiniling na sana may lumabas na time machine para maibalik ko ang oras upang naitama ang lahat.

Nang bumukas ang elevator nauna siya lumabas. Hindi ko maigalaw ang aking paa dahik hindi ko lama kung tama pa bang sumunod pa ako sa kaniya.

"Ano dyan ka lang?" Biglang kumabog ang dibdib ko nang nakasimangot na bumalik siya. Dahan dahan akong humakbang kahit haramdam ko ang sakit sa paa ko. Pinilit kong makalabas as elevatos subalit nanlaki ang mga mata ko nang umangat ang paa ko sa lupa. Napatingin ako sa mukha niya.

"Wag mo'ko titigan" Naiinis na sabi niya. Napaiwas ako ng tingin Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa at isang pagkakamali ko lang maari ko na siyang mahalikan. pilit kong iniisaw ang tingin ko sa kanya subalit parang tinatawag ako ng kanyang mga mata.

"Kumapit ka lang kung ayaw mong mahulog" Napalunok ako ng laway. Agad kong pinatong ang aking mga kamay sa kanyang batok kuoang hindi mahulog...

Falling in love is like a raindrops falling from the cloud. sobrang ganda kung titignan natin silang nahuhulog mula sa langit pero hindi natin nakikita yung pagbagsak nila sa lupa. Hindi natin nakikita ang pagkabasag nila na parang baso at kung pano ito nagkawatak watak.

Nakatingin ako sa labas ng bintana ng apartment niya. Hindi parin tumitila ang ulan.

Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng apartment. Simple lang ito, malinis at maayos hindi kagaya ng room ko.

Naagaw ng atensyon ko ang isang study table sa gilid nalapit sa bintana. Sinubukan kong maglakad papalapit dito pero nagulat ako nang biglang may naghagis ng tuwalya sa mukha ko.

"Baka sipunin ka, kasalanan ko pa" Walang emosyong sabi niya. Bigla akong napaiwas ng tingin ng marealized kong wala siyang suot na pang itaas.

"S-Salamat" Nauutal na sabi ko. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. I'm aware about men's body dahil nakakakita ito sa magazines at billboards pero god! never akong nakakita sa personal at sa ganito pa. Okay Maine, act normal

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang lumapit siya sa akin, napayakap ako sa katawan ko at napa kapit ng mahigpit sa tuwalyang binigay niya. Hindi pwede not like this.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon