C H A P T E R 6

44 4 1
                                    

The Man In The Rain
m e o w v i c

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito, hindi ako makagalaw dahil pakiramdam ko nanlalambot ang mga buto ko.

Nakatingin lang ako sa mukha niya, napapikit siya nang biglang umihip ang malakas na hangin. Parang magkakasakit ata ako sa puso dahil sa bilis ng tibok ng puso ko nang dahan dahan siyang dumilat at nagtagpo ang aming mga mata. Para akong tinamaan ng kidlat.

Walang nag salita sa amin, nakatingin lang kami sa mata ng isat isa alam kong hindi ko siya kilala pero bakit ganito ang epekto niya sa akin. Hindi ko alam. Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa mga tingin niya.

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa braso ko, dahan dahan siyang gumalaw at inangat ako upang makatayo. Wala ako sa sariling sumabay sa mga galaw niya

Patuloy parin ang pag ulan at wala ng dahilan para tumakbo at lumayo dahil pareho na kaming basa

Muli akong napatingin sa kanya pero bigla nanaman akong kinabahan nang nakatingin parin siya sa akin

I can't believe that this is really happening. Sa tagal ng panahon hindi ko inaasahang muli kaming makikita. Sa parehong panahon pero sa ibang pagkakataon

Wala ako sa sariling hinawakan ang pisngi niya at parang nagulat siya sa ginawa ko pero nakatingin lang siya sa mga mata ko na tila walang ideya sa nangyayare.

"I-Ikaw nga" Napangiti ako, hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ang malaanghel niya mukha

Ang tagal ko siyang hinanap subalit hindi ko siya matagpuan, ilang beses ko siyang hinabol pero hindi ko siya maabutan. Hindi ko alam kung paano, kung kailan hinayaan ko na ang tadhana na humayo saka namin kami pinagtagpo.

Natauhan ako nang bigla niyang nihawakan ang kamay ko at hinila upang sabay na tumakbo. Wala ako sa sariling hinayaan siyang dalhin ako.

Napatingin ako sa kamay niya habang nakahawak sa kamay ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? hindi ko mapaliwag para akong nakasakay sa ulap na parang ang gaan sa pakiramdam.

Agad nyang binitawan ang kamay ko nang huminto at makasilong kami sa isang waiting shed. Napatingin ako sa kanya habang pinupunasan ang kanyang sarili. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi parin ako makapaniwalang nandito na siya at halos abot kamay ko na siya.

"Tsk, mukhang walang planong tumila ang ulan ah" Narinig kong sinabi niya, bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya na parang musika sa aking tenga.

Napapitlag ako ng lumingon siya sa gawi ko at takang tumingin sa akin.

"Bakit?" Tanong niya. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko pa ata kayang makipagtitigan sa kaniya.

"W-Wala" Nauutal kong sabi. Napatingin ako sa paligid na medyo makulimlim habang patuloy parin ang pag ulan. Napansin ko na kami lang pala ang tao sa waiting shed.

I suddenly hear him sneeze. Napayuko ako dahil sa hiya. Kung tumitingin lang ako sa dinadaanan ko hindi kami mababasa ng ganito. Napakagat ako ng labi at huminga ako ng malamim.

"Sorry"

"Sorry nga pala" Sabay naming sabi. Napatingin ako sa kanya at agad ding napaiwas.

The Man In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon