FEELING BETTER

6 0 0
                                    




*Sniff, sniff.

Sinipat ni Ate Sol ang noo ni Elle habang siya ay natutulog pa. "Naku ang taas parin ng fever ng batang ito". Kinuha niya dala niyang bimpo at maliit na batya na may maligamgam na tubig. Binasa at piniga niya ito bago niya inilapat sa noo ni Elle. Si Ate Sol ang nag-aalaga kay Elle mula nang bata pa ito. Siya na rin ang tumayong nanay-nanayan nito dahil sa sobrang busy ng daddy nito na kadalasan ay nasa ibang bansa. Bababa na sana siya sa kusina nang magising na si Elle.

"Ate anong oras na po?", papasok pa ako sa klase.

"Alas nuwebe na ng umaga iha. Hindi ka pa pwedeng pumasok ngayon dahil may lagnat ka pa. Tumawag na ako sa adviser mo sa klase at sinabi ko na may sakit ka at hindi ka pa makakapasok ngayon at sa mga susunod na araw."

"Pero ate, dalawang araw na akong absent."

"Walang pero, pero. Hindi ka muna papasok."

"Hindi po pwede!"

"Gusto mo bang tawagan ko ang daddy mo?"

Hindi na nakasagot si Elle dito, alam niya kasi na kapag nalaman ito ng daddy niya na may sakit siya ay uuwe ito agad kahit may appointment pa ito. Daddy's girl kasi ito at spoiled ito sa kanya. Kahit na busy ito sa mga business nila ay sinisigurado parin niya na okay ang princess niya. Pero ayaw ni Elle na maabala pa niya ang daddy niya kaya wala siyang magawa kundi ang mag stay na lang muna sa bahay at magpagaling.

Bumaba na si Ate Sol sa kusina at siya naman ay itinuloy ang pagtulog.

-------//-------

"Elle gising na, tanghali na", paggising ni Ate Sol dito.

"Aahh", paghikab naman nito.

"Nagugutom ka na ba?", gusto mo bang dalhin ko na lang dito ang pagkain mo? Nagluto ako ng favorite mo.

"Sa kusina na lang po ako kakain, panigurado mapapadami ang kain ko niyan", sabi ni Elle na ubod ng laki ang ngiti.

"Sige, sumunod ka na lang sa baba at ihahanda ko na ang pagkain at mesa para makainom ka na rin ng gamot mo."

"Okay po."

*Pagkaraan ng ilang minuto, may nagdoor bell. Pinagbuksan ng isang kasambahay nila ang bisita.

"Nandiyan po ba si Elle?"

"Opo, nasa taas may sakit", sino po ba sila?"

"Pakisabi po kaibigan niya, bibisitahin ko sana siya."

"Ah sige, pumasok ka muna at tatawagin ko siya."

Dali-dali namang bumaba si Elle bago pa siya matawag sa kwarto niya. Namiss din niya kasi si Ana kaya patakbo itong bumaba sa sala kahit nakapantulog pa siya.

"Annnnna!, namiss ki....", napatigil si Elle sa pagsasalita at tila naging estatwa sa kinatatayuan niya nang hindi ang kaibigan niya ang nandoon kundi si Jem. Nakasuot ito ng off-white na long sleeves na itinupi naman nito hanggang sa may siko. Kung tutuusin ay napaka-simple ng suot niya pero ang lakas parin ng dating nito.

Nakatalikod siya mula sa kinaroroonan ni Elle kaya nang marinig ni Jem ang boses niya ay agad siyang tumayo at nilingon ito. Ngunit namula si Jem nang makita si Elle, paano ba naman kasi maliban sa gulu-gulong buhok ni Elle ay nailang din siya sa suot nitong pantulog na see-through na gown. Mabuti na lang may suot pa siyang underwear maliban dito.

Nanlaki ang mga mata ni Elle pagkakita niya kay Jem.

"Oh my G", ito na lang ang nasambit ni Elle bago patakbong bumalik sa kwarto niya para magpalit ng damit. Bukod sa pagpalit niya ng damit ay nag toothbrush, naghilamos at nagsuklay na din ito.

"Anong ginagawa ni Jem dito?", tanong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. "Grabe nakakahiya ang itsura ko kanina, bakit ba kasi siya nandito." Ibinaling niyang muli ang sarili niya sa salamin, muli niyang sinuklay ang buhok niya at nang hindi pa nakontento ay kinuha niya ang isang clip at inilagay sa buhok.

Pagbaba ni Elle ay naroon pa rin si Jem sa sala at busy sa pagtingin sa mga baby pictures ni Elle.

"Ehem", napabitaw naman si Jem sa hawak na album. Batid mo sa itsura niya na natataranta ito.

"Oh. Hi Elle, I hope you're fine now."

"Hi din, bakit ka nga pala nandito?"

"Gusto lang kitang bisitahin"

"Uuhhh bakit?"

"Dalawang araw ka na kasing absent, it's not typical of you to be absent kaya I asked your friend Ana why. And so I've heard that you've been sick."

Walang ibang maisagot si Elle kundi "uhuh". At hindi na din nagsalita si Jem. Sa sobrang tahimik aakalain mong may dumaan na anghel. Si Elle na kilalang palasalita ay tahimik din, patingin tingin sa kung saan saan nang madapo ang mga tingin niya sa mga dala ni Jem na nakalapag sa center table nila.

"Para sayo nga pala ang mga ito", sabay abot ni Jem sa mga dala. Isang bouquet ng white roses at mga prutas ang mga iyon.

"Salamat, pero hindi ka na dapat nag-abala pa". At pagkasabi nito ay inamoy niya ang mga bulaklak.

"The flowers are from the guys, and these fruits are from me. I told them that I'm going to visit you and they insisted to give you those flowers, well I hope you like it."

Medyo nadismaya si Elle nang malaman niyang hindi galing mismo kay Jem ang mga bulaklak, ngunit hindi na lang niya ito pinahalata. "Asa ka naman Elle, bakit ka nga naman kasi bibigyan ni Jem ng bulaklak?, pero bakit niya kasi ako sinabihan ng maganda sa chat??, aaaaahh!!. He's just being friendly, that's it. And besides bakit ba ako nagkakaganito?, remember Elle that he is still your opponent." Biglang nawala sa imahinasyon si Elle nang tinawag siya ni Jem.

"I'm sorry, ano na yong sinasabi mo?"

"Alam ko gwapo ako pero try to concentrate okay?", nakangiting sagot ni Jem na sinundan naman ng pagtaas ng kilay ni Elle. "Kailangan ko ata ng jacket at kumot, humangin bigla", sabi naman ni Elle ngunit hindi ito gaanong naintindihan ni Jem.

"Aaanong humangin?"

"Ah?, sabi ko kakain ako mamaya, ikaw nabibingi ka na Jem tsk, tsk", sabay ngiti ni Elle sakanya.

"Okay, so as I was saying, kaya na rin ako naparito dahil sa nalalapit na fund raising natin sa school which is in three weeks."

"Achoooo!,.. excuse me."

Napatingin si Jem kay Elle at napansin niyang medyo namumutla ito. "Are you okay?, I think you still need rest. Kumain ka na ba?"

"O-okay lang ako, no worries. Let's start planning then."

"Sa nakikita ko hindi ka parin okay, I should go. Magpahinga ka na, hindi dapat kita inaabala. The planning could still wait, dapat pala umalis na ako pagkabigay ko sayo ng mga dala ko kanina para hindi na kita naistorbo sa pagpapagaling mo."

"Saan ba kwarto mo?, alalayan na kita papunta doon", alok ni Jem sakanya.

"Don't worry I'm fine, at pasensya ka na kung hindi muna kita matutulungan magplano. Papasok na ako as soon as I'm feeling better. Hatid na kita sa labas."

"No need, kaya ko na. Promise mo na lang sa akin na magpapagaling ka na, bye."

Sa mga sinabi ni Jem ay naguluhan si Elle at napaisip kung bakit ang bait ni Jem sa kanya, Oo mabait naman siya sa lahat ang kaso this time parang may bago. Usually kasi pag nakikita niya ito ay inaasar siya nito, binobola or most of the time ay nagbabangayan sila, unlike kanina na makikita mo talaga sa mukha niya ang concern para sa kanya at ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.

Napahawak na lang si Elle sa kanyang dibdib, at nadama niya ang pagbilis ng tibok nito.

"Omg,this is not good."


Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon