CORNER

2 0 0
                                    


Nasa library sina Elle at Ana para magpalipas ng break time nila. Si Elle ay nag-aadvance reading habang si Ana naman ay nagbabasa ng isang fashion magazine. Nang mapalingon si Ana sa kaliwa niya nakita niya si Austin na natutulog, 3 tables away from them.

"Ooh, well may mapapala pala ako sa pagsama ko sayo dito sa library", kilig na sabi ni Ana.

Inilabas niya ang phone niya at kinuhanan ng picture si Austin habang tulog.

"Masyadong malayo, mas maganda kapag close-up"

Hindi na napigilan ni Elle ang kaibigan dahil tumayo na ito at dumiretso sa kinauupuan ni Austin kaya pinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa.

"Look at his picture Elle" sabi ng kaibigan niya ng makabalik na ito sa upuan niya.

 Mabuti na lamang at hindi nagising ang subject ng photography niya.

"Ayaw ko"

"Bahala ka, ang gwapo gwapo niya kaya"

"Akala ko ba si Jem ang crush mo?", tanong ni Elle.

"Noon. Pero ngayon si Austin na ang apple of the eye ko. Tsaka ayaw ko naman na agawan ang bestfriend ko, sayo na si Jem. Pinapaubaya ko na siya sayo kahit masakit, alagaan mo siyang mabuti katulad ng mag aalaga ko sa kanya", dugtong ni Ana.

Nababaliw na ata talaga ang kaibigan niya. Alaga? Ano si Jem, tuta?

"How many times I've told you..."

Naputol ang sinasabi ni Elle nang mag beep ang phone niya.

"The results of the audition is out na daw Ana, lets go and look."

"Picturan mo na lang for me please, babantayan ko si baby love ko eh"

"Bahala ka jan"

Iniwan na nga ni Elle ang kaibigan sa library at nagtungo sa music building .


Napakadaming tao ang nakapalibot sa bulletin board, hindi tuloy siya makasingit lalo na at hindi naman siya ganun katangkaran.

She tried to tiptoe just to get a sneek but no luck for her. Sinubukan niya ulit mag tiptoe pero na out balance siya nung may nakabangga sa kanya sa crowd ng mga tao.

But luckily someone catch her at the right time.

"It seems I always arrive at the right time and place to save you"

Jem help her steady herself.

Mukhang totoo nga ata yung sinasabi nila na kapag may iniiwasan ka mas lalong nakikita mo naman siya. 

She's been trying to avoid him as much as possible, maski sa classroom nila.

"Thank you"

Nginitian naman siya ni Jem at saka ito humarap sa kanya.

"You're in by the way"

"Huh?"

"I mean, you pass the auditions. And also Ana", dugtong ni Jem.

"That's good then. Paano kayo?, did you also get in?"

Jem gives his signature smile to Elle. At unti-unti itong lumalapit sa kanya. Hinawi niya ang bangs ni Elle at tinitigan niya ito ng mabuti.

"Yes, we also get in. Actually I was really looking for you para sabihin na they've assigned us to perform on the fundraising activity. And I hope it's okay with you because I already said yes to them"

Wala ng ibang masabi si Elle kaya umoo na lamang siya at saka mabilis na tumakbo.

Tumigil na lamang siya nung alam niyang out of sight na siya ni Jem. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Part of it was because she's been running but she's pretty sure that it's mostly from what Jem did.

Every thing that he does makes her heart flutter. Ang lakas talaga ng dating nito sa kanya.

Pinapakalma niya ang puso niya ng biglang sumulpot si Jem sa kinaroroonan niya.

"whoaah"

Napasigaw si Elle sa pagsulpot ni Jem.

"Are you following me?, inis na tanong ni Elle."

"Kalma lang miss sungit"

"Bakit ka ba kasi nandito?", muling pagtataray niya.

"Bakit mo ako tinakbuhan?, It's not like I did something wrong."

Hindi siya makatingin ng diretso kay Jem. At halos hindi rin makasagot.

"No I'm not"

"Iniiwasan mo ba ako?"

Jem acts as if he's really hurt. Dinadramahan pa niya ito na nakakasakit na siya ng damdamin dahil wala naman daw kasi itong ginagawang masama sa kanya. Aarte pa ito na kunyare naiiyak na.

"Alam mo dapat sa drama club ka nag audition, malapit na akong madala sa acting mo", sabi ni Elle na pinipigilang tumawa.

"You should do that more often, it suits you"

"Do what?"

"Laughing ang smiling"

"Nakakatawa naman kasi yung ginawa mo"

"Atleast napatawa kita"

With what Jem said to her, She smiles more genuinely this time.

"That's what Im talking about, so ibig sabihin ba nito we're good? Friends?"

"Ano pa nga bang magagawa ko, you got me cornered here. Yes, friends".


Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon