CROSSROADS

3 0 0
                                    


Para sa mga hindi pa nakaka alam, ang ating annual fund raising activity ay naka set na. Ito ay tatlong araw na activity na kung saan ang malilikom na pera ay mapupunta sa charity ng school, at ito ay para sa mga out of school youth. Kaya ang bawat section ay maghahanda ng kani-kanilang booth.

"Para saan pa ang mga flyers kung iaanounce din naman pala ng principal, nasayang effort ko tuloy", sabi ni Ana habang pinagmamasdan ang kanyang bagong kulay na kuko.

"Hindi naman kasi lahat ay nagbabasa ng flyers no", sagot ni Elle.

"Yeah, watever"

"Pero sa tingin mo anong magandang booth ang gagawin ng section natin"?

"Gusto ko ng parang boutique"

"Masyadong maraming gagawin kapag boutique, hindi tayo aabot sa oras ng preparation time kapag ganon", sabi ni Elle sa kaibigan. "Magmeeting na lang tayong buong klase after ng last subject natin".

Natapos na ang class meeting nila Elle, siya ang nagpreside sa harapan at pinag usapan nila ang mga dapat nilang gawin. The've already decided on what booth they will be preparing.

Lahat ng classmate niya ay present maliban sa isa. Mabuti na rin iyon para sa part niya, atleast hindi na niya ito kailangan pang iwasan since wala naman siya.

Wala naman kasi talagang atraso sa kanya si Jem, sadyang mas matalino lang talaga ang binata sa kanya. Simula elementary sila ay magkaklase na sila at simula rin noon ang palage na silang nagiging magkakompitensya sa kahit na anong school activities. Tanggap naman ni Elle na palagi siyang 2nd kapag nariyan si Jem kung hindi lang dahil sa pressure sa kanya ng mommy niya.

Her mom is a perfectionist. Ayaw nito ang natatalo sa kahit na anong bagay lalo na sa business. Kaya naman maski sa anak nito na si Elle ay naiaapply niya ito. Elle, bilang isang masunurin na anak ay umuoo ito sa mommy niya, kaya kahit na gusto niyang kaibiganin si Jem ay hindi niya magawa kasi iniisip niya na kapag nangyari yon she will let her guard down, na baka maging kampante na siya sa kung meron at tuluyan na siyang matalo ng binata. And one thing, she doesn't want to disappoint her mother, again.

Maagang nagbihis si Elle at ngayon ay nasa school na siya. She is busy looking inside her bag for her notes. Mag aaral kasi siya sa library, advance reading if you asked. Nagmamadali ito kasi baka mamaya may maka upo sa favorite spot niya sa library, malapit ito sa bintana at nasa may pinaka likod na part. Gustong gusto niyang pumwesto doon dahil bukod sa tahimik at wala masyadong nagpupunta doon ay dahil maganda ang view sa parte na iyon. She just needs to look outside the window whenever she feels bored at watever she's doing.

"What the?", painis na nasambit niya.

"Oh, Im sorry miss. I didn't....

Dahil sa pagmamadali niya, hindi na niya napansin na may kasalubong siya sa hallway at ayon nagkabungguan ang dalawa.

"see you coming", dugtong ng naka bungguan niya.

"Ikaw pala", ito na lang ang nasabi ni Elle. Anak naman ng tipaklong oh, sa lahat pa ng makakabungguan niya ay kung sino pa yung gusto niyang iwasan.

"Here take this", abot ni Jem sa kanya ng panyo. Agad naman niya itong kinuha at pinunasan ang nabuhos na kape sa damit niya. Mabutin na lamang at itim ang damit niya, kung nagkataon ay mapapansin mula dito ang panloob niya kapag nagkataon na puti ang suot nito.

Elle is wearing a black longsleeves with prints na pinartneran niya ng cream colored skinny pants at 2 inch black high heels.

"I'm sorry, I was busy looking at my phone and I didn't see you coming".

"It's okay, it was an accident", sagot ni Elle dito. Kung sa ibang pagkakataon ay marahil nasungitan nanaman niya ito, pero dahil niligtas siya nito noong nakaraang araw ay mas pinili na lang niyang magpasensya.

Pasensya? Or Hindi mo lang matiis kagwapuhan niya?, bulong ng kanyang isip.

"Now your shirt is ruined"

"Nevermind, I'll just head home and change", mabilis na sagot ni Elle. Aalis na dapat siya ng hawakan ni Jem ang braso niya para pigilan ito.

Napatingin siya sa kanyang braso na hawak parin ng binata, napansin ito ni Jem saka ito binitawan.

"It's my fault, so let me make it up to you"

"Huh"?

"I mean, meron akong extra shirt doon sa locker ko, you can use it for the moment", alok nito kay Elle.

"Hindi na, uuwe na lang ako", pagtatanggi niya.

"I insist. Hindi ako mapapakali hanggat hindi mo tinatanggap ito. Think of this as my way of apologizing to you, please Elle". 

Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon