2. Sabotage

16 0 0
                                    

Why does every time I come near you, you move a thousand steps backward?, a thousand steps away from me. How long do I have to hide?, how long do you have to run away from me?, and most especially how long to I have to pretend that everything is fine.

God knows how much I miss you, I miss you a lot

.I miss you Den.

Napabuntong hininga na lang si Jem mula sa pagkakatanaw niya sa labas ng bintana niya. "Hay, bakit ba kasi nangyari ang mga bagay na yun?", everyone's doing fine tapos.. 

Kinuha nito ang picture frame na nasa may coffee table katabi ng kama nito, umupo siya sa kama habang titig na titig sa dalawang taong mag ka-akbay at nakangiti sa picture sa hawak nito. Just by merely looking at the picture reminds him of everything.

Ito ang isa sa mga ritual niya bago matulog, ang titigan ang picture na iyon, na kung sana maibabalik nito ang lahat.

Ilang minuto din siyang nakatingin sa kawalan habang prenteng prente sa pagkakahiga nang biglang bumukas ang pintuan niya. Napalingon siya dito at hindi na siya nagulat nang makita nito ang nakababata niyang kapatid, si Nico.

"Kuya, nag eemote ka nanaman jan ah!', sabi ni Nico habang papalapit kay Jem.

Hindi sumagot si Jem, bagkus ay napangiti siya sa sinabi ng kapatid. Sampung taong gulang palang ito pero kung magsalita at umasta ay aakalain mong mas matanda pa kay Jem.

"Wag kang mag-alala kuya, mahal ka nun!', pambibirong sabi ni Nico.

"Alam mo mabuti pa matulog ka na, sige ka isusumbong kita kay mommy na hindi ka nanaman nag-aaral", pananakot ni Jem.

"Eh hindi ka din naman nag-aaral kuya ah, pero bakit ikaw parin ang lageng pinakamataas sa klase niyo?, kaya idol na idol kita kuya eh, pahabol na sabi ni Nico.

"Ibang usapan na yun". At dahil dun ay naalala niya si Elle na siyang kumukumpitensiya sa kanya. "Matalino lang talaga ako at gwapo kaya ganun", pagmamayabang nito sa kapatid.

"Laah kuya biglang humangin ah, hahahah", pang-aasar ni Nico.

"Lokong bata to", matulog ka na nga.

 "Oo na matutulog na, goodnight kuya ko na feeling pogi, HEHE", sabi ni Nico at tumakbong palabas ng kwarto na naka belat. 

***

"Aba ang ganda ng eyebags natin ngayon ah?", saan ka nanaman naglamay kagabi?" , pang aasar ni Ana kay Elle na kadarating lang.

"Uso kasi mag-aral Ana", medyo mataray na sagot ni Elle.

"Eh wala naman tayong quiz ngayon diba?", tanong ni Ana habang bisibihan sa pag aayos ng buhok sa harap ng salamin. Kasalukuyan kasi silang na girl's restroom para mag freshen up daw, na siyempre ideya ni Ana.

"Oh well, you'll never know", pagkasabi niya ay agad na siyang lumabas ng cr kasunod ni Ana.

Papunta na sila sa classroom nila nang makita ni Ana si Jem na pababa ng sasakyan niya na isang AUDi R8. And as expected from Ana, napatili siya ng malakas  na halata namang crush na crush si Jem, sabay kaway nito sa kanya.

"Grabe ang gwapo talaga ni Jem no Elle?, lahat na nasa kanya. Fame, talent, personality at gwapo. What more can you ask for?, he's Mr. Perfect.

Napatingin si Elle sa parking lot kung saan naroroon si Jem, sakto namang tumingin si Jem sa direksiyon nila kaya nagkatitigan tuloy sila.

Agad na napangiti si Jem at saka hinawi ang buhok na animoy nasa isang shampoo commercial. "Mahangin lang ang peg?", sabi ni Elle sa sarili.

Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon