UNFRIEND

2 0 0
                                    


"Someone's in a good mood today", pang-aasar ni Carlisle kay Jem habang busy ito sa pag gigitara.

Kadarating lang ni Jem sa band room at may dala itong pagkain para sa mga kaibigan niya. Dito sila nagpapalipas ng oras nila tuwing break nila or tumambay bago umuwi. Music has always been their bonding. Music unites the four of them.

"I'm always in a good mood", pagkontra naman ni Jem habang nilalapag ang mga dalang pagkain.

Agad namang lumapit at nilantakan nila Austin at Ashton ang mga dala nito.

"I know, but today something about you is different. Hindi ko maexplain. At may pasipol-sipol ka pa kaninang pumasok ka."

"And it's annoying", dugtong naman ni Ashton. May powdered sugar pa sa bunganga nito habang nagsasalita. "These are great by the way, sana lagi kang good mood para lagi akong may free food".

"Just eat!", pagsuway ni Jem kay Ashton.

Pinagkaka isahan nanaman siya ng mga kaibigan niya, ito na ata ang favorite na past time ng tatlo kapag bored na sila, ang guluhin at asarin si Jem. Mabuti na lang at hindi ito pikon. Kung hindi niya lang kaibigan ang mga ito iisipin niya na wala ibang ginagawa sa buhay ang mga ito kundi ang asarin siya. 

The guys are having a good time when someone entered, making them all quiet.

"I'm sorry to interrupt you guys, Babalik na lang ako kapag hindi na kayo busy"

She was about to turn to the door ang leave when Jem stands up from where he is sitting and walk towards her.

"No, don't leave. Hindi naman kami busy, we were just hanging out"

"Ganun ba?, actually hindi naman ako magtatagal. I just came to return this to you"

Iniabot niya ang dala niyang paper bag. It was the shirt that he let Elle borrow when he accidentally spill coffee on her clothes.

Jem opens it and one can tell that he is a bit disappointed.

"Thank you nga pala ulit", says Elle. Bakas naman sa mukha niya ang hiya. Oo kilala niya ang tatlong kaibigan ni Jem pero never pa niya ito nakakausap ng maayos at nakasalamuha ng matagal.

Everyone knows them. After all they are famous in the campus especially sa mga katulad niyang freshman. Many girls would really want to take her place right now, ang makasama ang apat na ito sa iisang kwarto.

"You're welcome miss sungit", saad ni Jem na tila nang-aasar pa. "Besides kasalanan ko naman kung bakit ka natapunan", he added. Ibinaba niya ang paper bag at itinabi ito sa mga gamit niya.

"Sige aalis na ako", pagpapa-alam niya sa kanila.

"Nagmamadali ka naman atang umalis, why don't you join us muna?", alok ni Carlisle.

Napatigil siya sa paghakbang. She's definitely not ready to face them again after that scene she cause at the library months ago. It's a good thing na hindi niya classmate ang tatlong kaibigan ni Jem kaya naiiwasan niya ang mga ito.

"Ano kasi may pupuntahan pa ako", sagot ni Elle ng nakatalikod. She just wants to disappear at that moment. "Sige bye", dugtong niya at dali dali siyang umalis.

"Guy's you just scared her", masamang tingin ni Jem sa mga kaibigan niya.

"Ngayon alam ko na yung dahilan kung bakit ka good mood", Carlisle looks at him while playing the bass guitar. "You just got shot in the heart Jem".

"Bull's eye pa kamo", dugtong naman ni Ashton.

"I don't know what you're saying guys". And with that he left the room leaving those three laughing.

Hindi nanaman siya titigilan ng mga iyon sa pang-aasar.


***

"So how did it go", Ana asked. She's anchoring her phone between her cheeks and shoulders, because she's busy doing her nails.

"Tumawag ka lang ba para mang-asar?" Kaharap naman niya ang laptop niya ng tumawag ang kaibigan nito. "Kasi kapag oo, babagsakan na kita ng phone".

Because what happened didn't actually went according to plan. Dapat ibibigay lang niya kay Jem ang shirt tapos aalis na din siya agad. Malay ba niya na kasama nito ang mga kaibigan niya.

"Bakit ano nanaman ang kasalanan ko? Ako na nga itong nagsabi sayo kung nasaan si Jem."

"Alam ko, and thankful naman ako pero hindi mo naman sinabi na magkakasama silang apat". Kung alam lang niya hindi na ito tumuloy.

"Napaka OA mo bes, syempre automatic na magkakasama ang mga iyon no. Teka nga, tatawag ako ulit mamaya tatapusin ko lang ang ginagawa ko".

Ibinaba na ni Elle ang telepono at itinuloy ang ginagawa niya. Naglog in siya sa Facebook account niya at may ilang mga notifications.

Carlisle Shin Parker wants to be your friend.

Habang pinag-iisipan niya kung i-aacept ba niya ang friend request nito ay nag PM naman sa kanya si Jem.

It was just a simple message pero parang aatakihin nanaman ang puso niya. Her heart always does that kapag siya na ang usapan. She's should really train her heart to keep calm one of this days, or else baka ikamatay niya ito ng maaga. 

I'm sorry about what happened a while ago. Loko loko lang talaga ang mga iyon pero mabait sila.

It's okay. Nahihiya lang kasi ako.

First time ata na mahiya ang isang Ellize Lee. Yung kilala ko kasi palaban.

Baka gusto mo I-unfriend kita?

Okay lang kung unfriend sa Fb basta huwag sa puso mo.

She was taken a back for a bit.

Of course he's just joking, she tries to convince herself. And while she's thinking what to reply, another message came up.

Kinilig ka ano?

Patawa ka talaga. Matutulog na ako. Goodnight!

Umiiwas ka nanaman. Okay goodnight miss sungit.

Dream of me.

Hawak ni Elle ang dibdib niya. She's trying so hard to make it calm. Paikot ikot na siya sa kama niya, naka-ilang libong tupan a rin ang nabilang niya pero hindi parin siya makatulog. Everytime she tries to close her eyes, mukha ng binata ang nakikita nito.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon