FLYING HEARTS

5 0 0
                                    


"It's just good to be back."

"Parang ang tagal mong nawala ah?, maka-good to be back ka jan. FYI friendship, apat na araw ka lang absent no, hindi apat na taon."

"Four days is a long time for me lalo na at madami akong na-miss na lessons, I have a lot of catching up to do."

"Lessons nga ba ang na-miss mo or si Jem my loves?"

"Hindi ko siya namiss ano!"

"Defensive, pero sabagay bakit mo nga naman siya mamimiss kung binisita ka nga pala niya sa bahay niyo, right? And balita ko binigyan ka daw niya ng roses!!, I'm jealous na."

"Paano mo nalaman ang tungkol sa roses?, gulat na tanong ni Elle kay Ana.

"So tama nga ako!, he did gave you. Omg, I need details."

"Oo binisita niya ako pero para lang kamustahin kalagayan ko at para na rin sa planning ng upcoming Fund Raising activity. He brought fruits and flowers but hindi naman galing talaga sa kanya yong mga bulaklak."

"Kanino galing?"

"From his bandmates daw."

"Ooooooh, so kaya pala ang nabitter mo bigla. Haha. Alam mo Elle bakit ba kasi hindi mo pa aminin na you like Jem."

"How many times did I tell you na hindi ko gusto si Jem?, pagsusungit ni Elle sa kaibigan. Bakit ba kasi natin pinag-uusapan ito?, ang mabuti pa tulungan mo na lang ako na ipamigay at ipost itong mga flyers na to?"

"Okay, fine."

---------//---------

"Can we rest?, kanina pa tayo lakad ng lakad. Hindi moba nakikita na nag taas ng tirik ng araw oh? Sayang ang gluta ko my friend," sabay haplos ni Ana sa braso nito.

"Okay okay, just stop nagging. Mauna ka na sa canteen, doon na lang tayo mag merienda at pupunta muna ako sa Principal's office. Ako na bahala ditto sa natitirang flyers."

"I'll order for you then"

"Okay"

Habang naglalakad si Elle patungo sa principals office ay hindi namalayan nito na may dalawang steps ng hagdan sa dadaanan niya dahil abala itong nagbibilang sa natitirang flyers. Huli na ang lahat ng mapansin niya ito, at doon na nga nagliparan ang mga hawak niya.

"Aaaaaaaaaaahh!"! , malakas na sigaw nito. Sa pagkakataong iyon ay napapikit na lang siya habang inaantay ang pagbagsak niya. Ngunit tila sinuswerte siya dahil hindi malamig na sahig ang sumalubong sa kanya.

Dahan-dahang iminulat ni Elle ang kanyang mga mata, at dalawang kulay asul na mata ang nakatitig sa kanya. Bigla tuloy napadpad ang isip niya sa isang movie na napanood niya na kung saan ay nagkatitigan ang bidang babae at lalaki pagkaraang masalo nito ang bidang babae sa pagkakahulog. At sa panood na iyon ay unti unting naglapit ang mukha ng dalawa upang maghalikan, at sa pagkakataong iyon ay napapikit muli si Elle at unti unti nitong nilapit ang kanyang mukha,

"Ahem"

Nagising sa imahinasyon si Elle nang marealize niya na ang dami ng tao ang nakatingin at namula ito sa hiya nang marealize niya na nakanguso parin ito sa sumalo sa kanya.

"Aah, salamat Jem, sabay pilit niyang tumayo.

Tinulungan naman siya nito sa pagtayo habang hindi parin maialis ni Elle ang mga mata niya sa braso ni Jem na siyang nakahawak parin sa bewang nito. Nang mapansin ito ng binata  ay dali dali naman nitong inalis ang kanyang kamay.

"You should be more careful nextime, because I may not be always there to save you"

"Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako ah", masungit na sagot ni Elle.

Riiiing! Riiiiiing!

Isang tawag ang pumutol sa usapan ng dalawa.

"Hello". Okay I'll be right there, sagot ni Jem sa tumawag. "Wala ka na ngang sakit Miss sungit, dahil sinusungitan mo na ako ulit, I like you more when you're sick kasi you're nicer when you are, sabay ngiti nito sa dalaga at agad agad ng umalis. Hindi na nakasagot pa si Elle, kaya sinundan na lang niya ng tingin ang likod ni Jem na unti unting papalayo hanggang sa hindi niya inaasahan na bigla itong lumingon sa kinatatayuan niya saka siya kinindatan. Nanlaki ang mata ni Elle at bigla nitong iniwas ang tingin niya at pinagkaabalahan na lamang niyang pinulot ang mga flyers niya.


Anong kahihiyan nanaman ba ang ginawa mo Elle?, naiinis na sampal nito sa sarili.



Mag-aalas dose na ng gabi at hanggang ngayon hindi parin siya makatulog. Naalala nanaman niya kasi ang nangyari kanina sa school campus. "Hay, nakakahiya talaga, asa pa akong hahalikan niya ako. For sure aasarin nanaman ako ng mokong na yon pag nagkita kami".

Pipilitin na dapat niyang matulog ng biglang umilaw ang laptop niya na nakalapag sa study table niya, hindi niya pala ito na-ioff kanina. Tumawa siya mula sa kama at lumapit sa laptop, isa-isa niyang kinoclose ang mga tab na naka open dito. Nang akmang ikokoclose na niya ang facebook niya nakita niya na meron siyang message notification.

As I said a while ago, be extra careful next time because I  may not be always there to save you.

Namula ang pisngi ni Elle ng maalala nanaman niya ang mga nangyari kanina.

Si Jem ang nagmessage sa kanya. At bakit tuwing nagchachat ito sa kanya biglang nagliliparan ang mga paru-paro sa tiyan niya?.

I was not able to properly thank you a while ago, so thank you Jem.

No problem miss sungit, basta ikaw.




Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon