Lima: Palayo

36 0 0
                                    

Kung iiwan mo ako, siguraduhin mong hindi mo na ako babalikan. Siguraduhin mo na hindi ka na lalapit. Kung ayaw mo na talaga sa akin, itapon mo akong palayo, palayo mula sayo. Gawin mo akong bola, ay teka, ginawa mo na pala. Pinagpasahan, pinaglaruan, pinamigay, binawi- 'yan ako sayo. Sagarin mo na sa huling pagkakataon pero hiling ko lang, itapon mo na akong palayo. Hindi pataas kung saan alam mong mahuhulog at babagsak din ako sa'yo. Itapon mo ako palayo- yung malayo, malayo mula sayo.



Hinanging dahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon