Kung bakit masakit

15 0 0
                                    

Iniisip natin minsan na wala tayong karapatang masaktan kasi tayo namang ang dahilan. 

Iniisip natin na hindi tayo pwedeng magdrama kasi tayo naman tong nang-iwan.

Pero mumsh ang puso hindi nagsisinungaling, 

Halika't sasabihin ko ang kwento kung bakit masakit. 

Iniwan mo. Nasaktan mo. Nag move on. Nakahanap ng iba. Ngayo'y nasasaktan ka.

Heto lang naman ang buod ng kwento, pero alam mong may higit pa sa buod na ito.

Masaya ka sa desisyon mong itigil na kasi hindi ka na masaya.

Mahal mo pa siya, oo pero alam mong kailangan mong tapusin na. 

Alam mong hindi lang sapat na mahal niyo ang isa't isa, 

Alam mong walang pupuntahan ang relasyon niyo kung itutuloy niyo pa.

At ngayo'y kelangan mong pangatawanan ang desisyong ginawa mo.

Okay ka na naman sa umpisa, pero bakit ka umabot sa ganito?

Mahal mo siya, pero mas mahal mo sarili mo. 

Nasasaktan ka kasi wala na sayo ang atensyon.

Nasasaktan ka kasi pakiramdam mo wala nang nagmamahal sayo.

Nasasaktan ka kasi feeling mo wala nang nagpapahalaga sayo.

Napaka-makasarili pero bes 'yan ang nagyayari sayo.

Hindi mo siya babalikan alam mong 'yan ang totoo.

Nasasaktan ka kasi wala na ang atensyon sayo.

Tanggapin mo dahil yan naman talaga ang totoo.

Tama ba ang hula ko sa tanong mong bakit masakit?

Kung hindi ay isipin mo lang kung bakit.

Pero kung oo, isa lang naman ang gusto kong itanong.

Ngayong alam mo na, ano ang gagawin mo?

Hinanging dahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon