Hindi madali, pero kakayanin. Pag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako.
May itim sa puso na hindi maalis
Masakit pa rin kahit anong tiis
Akala'y isang araw mawawala
Pero bakit ngayo'y nandito pa rin?Hindi pinalabas dahil sa pandemya
Pero bakit tila iba ang nagpakita
Isang maitim na imaheng pamilyar
Nagpakita muli matapos humingalUmatake ang takot,kinain ng kahinaan.
Isang babaeng pilit naniwala.
Isasalba sa mundong marahas,
Pero parang bigla na lang nadulas.Nasaan na ang espada matapos pilayan?
Tama ba ang pinaniniwalaan?
Bakit tila ako ngayo'y nanghihina?
Ni walang makausap, ni walang makita.Sino ang magsasalba sa babaeng mahina?
Isang trahedya pa'y bibigay na.
Takot mang-iwan, takot makasakit
Sa isip niya'y tanging pumipigil.O Diyos kaawaan mo sana,
Hindi ko kaya ang mag-isa.
Tila piping hindi makapagsalita,
Bunganga'y parang wala na.Hanggang kailan o hanggang saan pa?
Pagod at luha ang tanging naiwan.
Pananampalata'y ipinadarasal.
O Diyos, aking mahal, ako'y nandito lang.

BINABASA MO ANG
Hinanging dahon
PoetryAng mga salitang ito ay parang hinanging dahon. Nagmula sa isang puno at dinadala sa mga lugar kung saan hilingin ng hangin. Pinulot mo ito at tinignan, nasa'yo na ang dahon...anong gagawin mo.