Una. Sa unang pagkakataon kong narinig na meron ka nang iba, parang binugbog yung puso ko.
Pangalawa. Sumunod na araw ay hiniling kong sana hindi kita makita, o makita kang kasama siya.
Pangatlo. Nakita kita at nalaman kong kaya ko palang itago at umastang okay ako.
Pang-apat. Okay ako, yung ang alam ko. Pero masakit, hindi ko naman itatanggi.
Pang-lima. Ibinigay ko na sa Diyos ang lahat ng nararamdaman at naramdaman ko para sayo.
At pang-anim. Sinsulat ko ang tulang ito.
BINABASA MO ANG
Hinanging dahon
PoetryAng mga salitang ito ay parang hinanging dahon. Nagmula sa isang puno at dinadala sa mga lugar kung saan hilingin ng hangin. Pinulot mo ito at tinignan, nasa'yo na ang dahon...anong gagawin mo.