Apat: Sabi nila, malandi ka raw...

50 1 0
                                    

Ang sabi nila, malandi ka raw. Eh paano, lagi kang naka-shorts na para kang nagbibigay ng motibo. Nagpapakita ng cleavage na parang may gustong sabihin. Lumalapit sa mga lalaki na parang may gustong gawin. Ang sabi nila, malandi ka raw, pero hindi ako naniniwala. 

Inakbayan ka ng isang tambay, tumakbo ka palayo pauwi ng bahay. Umuwi ka ng bahay at sinabunutan ka ng nanay mo, sinampal ng lasing na tatay mo, wala kang magawa kundi tiisin ito. Umakyat ka ng kwarto at nakita mo ang kuya mo, sa kwarto mo'y may kinakalantaryo. Pinaalis mo sila at humiga sa kama, nag-isip ka, bumuntong hininga. 

"Malandi nga ba ako? Karapat-dapat bastusin? Haliparot?" tanong mo sa sarili mo. Hindi ka basta basta nagpapadala sa mga sinasabi ng iba. Binuksan mo ang aparador at tinignan ang punit-punit mong damit. Kinuha mo ang gunting at pinutol ang punit na parte. "Ayan, mukha na uli bago ang pinunit ni inay." 

Naka shorts ka uli at naka sando, wala nang ibang masuot. Punit-punit o sira, yun na lamang ang natira. Hindi lamang sa damit mo, kundi sa buong pagkatao mo. Pinunit ka ng mundo, sinira ka ng sariling pamilya mo. Pero okay lang, hindi ka sumusuko, hindi sila ang Diyos, hindi sila karapat-dapat pumuna sayo. "Hindi ka malandi." ang sabi ko sa babae sa salamin. 

---------------

Hinanging dahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon