3.*untitle*

14.2K 270 7
                                    

Manghang Manghang nakatingin lang si Nieha sa kaibigan na masaganang kumakain.

Nag mukhang Mini-fiesta ang kanilang Table sa Dami nang inorder ni Jane.

"Grabe bes, ilang taon kana ba hindi nakakain?"- mangha at pang asar na tanong ni Nieha sakanya

"OA naman kung taon"- ngumunguyang sabi ni Jane "ewan ko ba kung bakit gutom na gutom ako ngaun"- dagdag pa nya habang kumukuha nang Fried Chicken

"Baka mamaya nyan dika na mag kasya sa pintuan"- natatawang pang aasar ni Nieha pero walang hindi naman naasar si Jane dahil tuloy tuloy lang siya sa pag lamon

"Bahala na, basta ako masharap ang pagkain"- puno nang pagkain ang bibig ni Jane nang magsalita.

Napailing nalang si Nieha sa kaibigan. Wala talagang pakialam ang kaibigan sa tinatawag na 'Table Manners'.. natutuwa tuloy siyang panuorin ang kaibigan.

Kasalukoyang nasa loob sila nang School Restaurant.

"May fiesta ba?"

Parehong napalingon ang magkaibigan sa isang babaeng nakatayo sa kilid nila at may kasamang dalawa pang babae.

Sa unang tingin, halatang mayayaman na sa suot pa lang nila.

"Wala, bakit?"- tanong ni Nieha, siya na ang sumagot dahil di makapag salita nang maayos si Jane dahil puno ang bibig.

"You mean, kayo lang ang kakain sa dami nyan?"- maarteng tanong nang babae sabay turo sa mesa nila.

"Ano..naman..mashama dun?"- tanong ni Jane habang ngumunguya.

"Para kayong Baboy. Siguro first time nyu lang kumain nang masasarap dito noh."- pang lalait nang babae at sabay pa silang nagsitawanan.

Napataas agad nang kilay si Nieha, ayaw na ayaw nya sa mga taong nang iistorbo, lalo na't kung papakialaman sila o kaya ay lalaitin.

"Excuse me?"- nakataas kilay nyang sabi

"Bes, hayaan mo na"- pigil sakanya ni Jane

Alam ni Jane ang ugali nang kaibigan.
Bukod sa pinakialaman sila ay kinumpara pa ito sa isang baboy.

"Oo nga. Look at your bestfriend. A hungry piggy"- G1

"Maganda sana kaso wala namang table manners"- G2

"Mga baboy------"- dipa tapos mag salita ang leader nila nang mabilis na tumayo si Nieha at nasampal nang malakas sa pisngin


Gusto na sana nya hayaan ang mga ito pero somosobra na sila.

Malakas ang pag kakasampal kaya nakakuha sya nang attention sa lahat nang nasa loob.

"How dare you!"- nang gagalaiting sabi nang babaeat sinabunotan si Nieha.

Hindi naman mag papatalo si Nieha kaya sinabunotan na din ang babae.

My Bossy little wifey [SPG]- Complete √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon