"Wifey! Isang oras ka na sa banyo!"
"Heto na lalabas na!"
Hay nako itong asawa ko! Isang oras daw e parang 20minutes lang ah!
Excited kasi masyado yang si Asher today. Hulaan nyu kung bakit?"Mrs Nieha Guesa Aiman!!"
-__- ok eto na lalabas na!
Buti na lang mabilis akong maligo kundi uupakan ko talaga siya!Nanlilisik ang mata ko sakanya paglabas ko sa Banyo. Siya naman nakangiti nang malapad
"Hoy Asher akala mo naman lalamunin ako nang Shower! Bat ba madaling madali ka hindi naman tatakbo ang mall" singhal ko sakanya pero niyakap nya ako
"Ehh wifey naman kasi ang tagal mo. Miss na kita eh"
Heto na naman sya sa paglalambing nya. Mahina ko syang tinulak
"Pasalamat ka daddy ka ni Baby kundi inupakan na kita" sabe ko na tinawanan lang naman nya.
Bihis na bihis ang loko kaya ako na lang ang hinihintay nyang makapag ayus.
Habang nag lalagay ako nang powder at kung ano sa mukha ko ay busy sya sa pag Susuklay nang buhok ko na basa.
Ngingiti ngiti pa sya na parang timang. Pinabayaan ko nalang, excited kasi siya sa pupuntahan namin.
FASTFORWARD>>>
"Wait sandali lang Wifey, wag magmadali. Baka madulas ka"
"Kanina ikaw tong excited, dali na"- hinila hila ko pa sya pero malakas siya at nahatak ako kaya napayakap ako sakanya
"Wifey naman ingat buntis ka at sabe nang doctor mag ingat ka. Di ka na bata" panenermon nya saakin kaya nag pout ako
"Asher ano ba kita! daddy o asawa?!"
"Both" mabilis nyang sagot saka tumawa.
Kinurot ko sya sa tagiliran at tumawa na rin. Wala eh di maiwasan pag naririnig ko tawa nya.
Ngayon ko lang napansin ang mga taong dumadaan na napapatingin saamin, yung iba ngumingiti na parang kinikilig saaming dalawa."Wala eh, gwapo asawa mo" bulong ni Asher na kinataas nang balahibo ko. Mabilis ko syang kinorot sa tagiliran kaya natatawa syang napaigtad
"Yabang nito. Maglalakad na tayo o uuwi nalang?" inis kung sabe pero kunyari lang naman.
"No! Tutuloy tayo! Tara"- sabe nito at inalalayan ang balikat ko.
Para tuloy akong balbado sa ginagawa nya. Piningot ko sya sa tenga kaya napadaing sya.
"Buntis lang ako pero hindi ako balbado Hubby!"
Tinanggal ko naman kamay ko sa Tenga nya at bigla akong naguilty sa pamumula nang tenga nya.
"Wala naman akong sinabe wifey eh. Iniingatan lang kita, clumsy ka pa naman" natatawa nyang untas habang hawak hawak ang tenga nyang namumula
Lumapit ako sakanya at yumakap saka ngumuso.
"Sorry Hubby. Ang bad bad ko" guilty talaga ako. Lage na lang ako nagegeng sadista pero diko mapigilan e lalo na pag naiinis ako.
"Buti alam mo" sabe nito kaya nalungkot ako agad "Joke lang wifey, mahal parin naman kita" agad nyang sabe kaya napangiti agad ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/55460499-288-k274609.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bossy little wifey [SPG]- Complete √
RomanceThe first night I saw her drunk in Bar, I told to myself 'That Girl Caught my Eye' Akala ko mata lang nakuha nya, tinanggay din nya puso ko pero hindi naman ako nabigo dahil binigay nya saakin ang puso nya - Asher The first night I saw him beside hi...