Anne's POV [2015]
Present:
"Ano ba! Tigilan mo nga ako! Hindi na nga kita mahal! Meron ka na ngang iba tapos ganyan ka pa!" Sabi ko sa kanya.
Sa sobrang lakas ng sigaw ko, halos lahat ng tao nakatingin na sa amin. Wala akong paki alam. Wala naman akong kasalanan dito. Kundi itong manloloko na lalaki na nasa harap ko!
"Babe, sorry hindi ko talaga sinasadya. Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal pa rin kita. I'm sorry Anne. Sorry tala--"
Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya, pinutol ko na ito.
"Pwede ba! Wag mo akong matawag tawag na Babe!!! At anong hindi sinasadya?!? Wow! Grabe! Galing mo rin magexcuse noh. Galing mo. Sobra. Pwede ba Paulo. Will you stop? Pagod na pagod na ako." Sabi ko
"Anne please. Wag naman ganito oh. Ikaw talaga ang mahal ko at hindi siya. Please. Paniwalaan mo naman ako. Mahal ki--"
PAK!
Sinampal ko siya ng pagkalakas lakas.
"Talaga!? Ako lang mahal mo? Hindi ako naniniwala! Dahil kung totoo yang sinasabi mo, edi sana nung naging tayo, hindi mo ako niloloko! Ayoko na. Ayoko na magtiwala sayo ulit. Natatakot na ako."
Napaiyak nalang ako dito sa kinatatayuan ko. Sa totoo lang, ang sakit ng ginawa niya. Kitang-kita ng dalawa kong mata. Na niloloko niya lang ako. At ang sakit sakit. Natatakot na ako paniwalaan siya at magtiwala muli. Dahil sinira na niya ang unang tiwala na binigay ko sa kanya. Ayoko na
."A-anne. I-I'm so sorry! Oo. Alam kong n-niloko kita pero ni minsan, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Ikaw lang. Alam ko na n-nasira ko na yung tiwala mo pero bigyan mo pa ako ng pagkakataon! M-magbabago na ako!"
Nagulat nalang ako nang lumuhod sa harapan ko at napaiyak mula sa kinatatayuan namin. And seeing him like this, hurts so much. And it breaks my, heart more into little pieces.
Mas lalo akong napaiyak dahil sa nararamdaman ko at nakikita ko. Hindi ko na kaya. Feeling ko anytime, bibigay na ako dito. Pero kasi, ang sakit lang talaga ng ginawa niya. Na niloko niya ako. Akala ko all this time, wala siyang ginagawa na kalokohan o bagay na pwede ko ikasakit.
Pero meron pala. Nahuli ko siya. Nahuli ko.
Binigay ko na ang lahat lahat sa kanya. Pati ang pagsasakripisyo na ginawa ko para sa amin dalawa. Ipinaglaban ko pa siya sa mga tao na gustong humadlang sa relasyon namin. Lahat ginawa ko.
Pero bakit sa kanya, parang kulang parin?
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Dahil sa totoo lang, pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko na mag give up.
"P-paulo... Tigilan na natin to. H-hindi ka na ba napapagod? K-kasi ako, oo. P-pagod na pagod na ako. Sawang-sawa na ako. A-ayoko na Paulo. T-tama na. L-lahat na ng bagay na ginawa ko, k-kasakit yang ginawa mo sa a-akin ha? A-alam mo ba? Noon, n-nangako ka sa akin na hindi mo ako s-sasaktan pero ano 'tong g-gingawa mo ngayon? S-sinasaktan mo ako. Pati ang t-tiwala na b-binigay ko sayo.. S-sinira mo. Kung p-pwede lang sana.. L-lubayan mo na ako. At... w-wag na wag ka na m-magpapakita muli sa a-akin."
Pagkatapos kong sabihin ang mga yon sa kanya ay tumalikod na ako at naglakad palayo.
Napahagulgol nalang ako. Siguro... Hindi lang kami para sa isa't isa. Maybe.. This is the right thing to do.
Na ang tapusin na kung, ano ang tapusin. At... ang ilabas siya mula sa buhay ko.. Na wala ng Paulo, Ang nakalagay sa buhay, isip, at puso ko..
BINABASA MO ANG
To The Best friend who never stopped caring.
Teen FictionWell... It's about Anne, the best friend, who never stopped caring for her best friend, Jade. Until one day Anne told a false statement about Jade's love of her life, Paulo, which made Jade got scared and run away from him. Years later Jade knew the...