Chapter Glimpse

13.3K 255 16
                                    

Nagbihis na si Daisy habang naghihintay ng reply. Inaasahan na niyang hindi agad magre-reply ang lalaki. Naiintindihan niyang abala na ito sa mga bagay na—na hindi niya alam kung ano.

Awtomatiko ang pagngiti niya nang tumunog ang cell phone.

Sunduin ko kayo sa terminal

Hindi ka busy?

Ayaw mong sunduin ko kayo?

Baka lang busy ka

Susunduin pa rin kita kahit busy ako.

May mga kasama naman ako. Okay lang na walang sundo.

SUSUNDUIN KITA!

Natawa si Daisy pagkabasa sa text. Kahit mga simpleng palitan lang ng text messages, napapangiti talaga siya ng lalaki.

'Sabi mo, eh. All caps pa. Gets ko na. 

'Kulit mo.

Haha! Miss na kita, Kuya Ed!

Wala nang reply. Naghintay si Daisy. Limang minuto, sampung minuto hanggang nakaalis na siya ng bahay ay wala pa rin.

Inisip na lang niyang busy na uli ang lalaki. Hindi ito gaya niya na humihilata lang dahil bakasyon.

Pagkakuha sa mga kailangang clearances, dumeretso na siya ng uwi sa bahay. Kumain lang siya ng tanghalin at nagkulong na uli sa kuwarto niya. Humiga siya sa kama para mag siesta.

Nag-ring ang cell phone niya sa mismong sandaling napapapikit na siya. Lumipad ang antok ni Daisy. Tumatawag si Edgar!

Nagmamadaling inabot niya ang gadget.

"Hello, kuya Ed?"

Walang sagot pero bukas ang kabilang linya. Nawala ang ngiti niya.

"Kuya Ed?"

Paghinga lang ang narinig niya.

"'Uy! Ano'ng trip 'yan?"

"Kuwentuhan mo ako tungkol sa mga tsismosa."

"Ano?"

"Ano'ng ginagawa ng mga tsismosang kapitbahay diyan?"

Natawa siya. Napailing na lang. Minsan, ang hirap intindihin ng trip ng lalaking ito.

"'Update sa mga tsismosa ang gusto mo kaya ka tumawag?" natatawang balik niya. "Pumunta akong barangay hall kanina, nadaanan kong kumpol na naman sila. Hindi ko narinig ang bagong tsismis, eh. Nagtanong lang si Merina kung kailan daw ang kasal ni Ate sa mayaman kong bayaw. 'Sabi ko, hintayin niya ang proposal ng pekeng gurang na hapon niyang boyfriend kuno. 'Wag siyang makialam sa kasal ng iba. 'Ayun, tumigil. 'Sarap hilahin ng mala-mais na buhok ng lukaret."

"Sila nanay at tatay, kumusta?"

"Maayos sila. Mas madalas nasa taniman si Tatay. Si Nanay, nag-eenjoy sa pagkulay. Maraming dalang adult coloring books si Kuya Zeph, eh." Kuwento ni Daisy. "Si Ate, busy sa pagde-design..." bago pa man nito kumustahin si Ate Ara, advance na ang pagbibigay niya ng update. Alam niya namang iyon ang mas gusto nitong marinig.

Nang mga sumunod na sandali ay pinapangalanan na nito isa isa ang mga mga kapitbahay nila at tinatanong kung kumusta. Sige lang din ang sagot ni Daisy base sa alam niyang kuwento. Pero nang umabot na sa pinakadulong street ang binabanggit nitong tao ay umangal na siya.

"Teka lang, bakit pahaba nang pahaba ang listahan ng kinukumusta mo?" reklamo niya. Kinumusta pati mga kapitbahay na walang kamalay-malay pero siya hindi man lang?

Magaang tawa ang tugon nito bago tumahimik nang ilang sandali.

"Ikaw, kumusta ka, Daisy?"

"'Eto, kausap mo. Nagkukuwento tungkol sa buhay ng may buhay—"

"Gusto ko lang marinig nang matagal ang boses mo," mababang agaw nito na pumutol sa pangungusap niya. "Tahimik dito. Walang nangungulit sa akin."

Gustong marinig nang matagal ang boses niya kaya siya pinagkuwento ng kung ano ano?

"Miss mo rin ako, 'no?"

"May bisita ako, ibababa ko na—"

"Tingnan mo 'to!"

Tumawa ang lalaki.

"Puwede ba namang hindi kita ma-miss, Daisy?"



Abangan soon! :)




Ed (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon