HOW IS SHE?
Sus! Miss mo na agad?
Miss ko siya lagi.
Mahal mo talaga siya?
Yes.
As in mahal na mahal?
Mahal na mahal.
Sige, four-three na.
Four-three?
Sa score board ko, four na ang score mo, three si Kuya Ed, he-he!
Paano mag-add ng score?
Bili mo akong pasalubong!
Ano'ng gusto mo?
Hmn.
Anything, Daisy.
Wala. Ikaw lang. Hindi man kasi sabihin ni Ate, may mga times na nahuhuli ko siyang malungkot. Siguro, ikaw ang iniisip niya. Baka nami-miss ka rin niya. Ang secretive nga no'n, hindi man lang magkuwento tungkol sa inyong dalawa. 'Di ko tuloy alam ang details. Ano ba'ng plano mo? Textmate na lang tayo forever? Wala ka bang gagawin? Sige, ikaw rin. 'Pag si Ate na-fall kay Kuya Ed, wala na. Too late na.
I'm on my way.
Ano?
Papunta sa inyo. 'Need you to guide me. Baka maligaw ako.
Eeeeh! Alam mo ikaw, 'kainis ka rin, eh!
O, bakit?
Kinikilig ako! 'No ba? Dalian mo, bayaw! Masaya 'to. Five na ang score mo sa red notebook ko! I-surprise mo si Ate Ara!
Don't mention anything yet.
Okay. Ingat, Kuya Zeph!
Thanks, sweet.
Pangiti-ngiti si Daisy habang binabalikan sa inbox ang palitan nila ng text messages ni Zeph De Villar. Mahigit isang linggo na yata na ka-text niya ang lalaki. Ini-store niya sa phonebook ang numero nito pero dahil sa araw araw niyang pakikipagkulitan o di kaya ay pakikipag-argumento kay Edgar, nawala sa isip niya ang misyon na kilalanin ang lalaking naghatid kay Ate Ara.
Isang hapon ay nagulat siya sa isang unexpected text message.
Hi! Can I call you? Ang laman ng text message. Nagkataon na may load siya at mag-isa sa duyan, nag-textback siya.
Hu u? kahit alam na niya kung sino ito.
Zeph De Villar.
Who's Zeph?
Sa halip na sumagot ng text message ay tumawag si Zeph De Villar. Nagpakilala ito at sinabing alam nito na kapatid siya ni Ate Ara. Doon na nagsimula ang madalas nilang pag-uusap-kung hindi sa text ay tumatawag ang lalaki. Lahat ng pinag-uusapan nila ay tungkol kay Ate Ara.
Iba ang sayang hatid sa kanya ni Zeph De Villar. Liban sa kinikilig siya para sa Ate niya, ang pagdating ng isang gaya ng lalaki sa buhay ni Ate Ara ay patunay na nag-eexist ang isang Mr. Right. Binuhay ni Zeph De Villar ang unti-unti nang namamatay na pag-asa ni Daisy. Pag-asang sa isang bahagi ng mundo, naroon ang kanyang Mr. Right at sa tamang panahon ay magtatagpo rin sila.
Gaya ng ate Ara niya at ni Zeph. Sino'ng mag-aakala na isang hindi magandang karanasan pa ang magiging daan para makilala ng kapatid niya ang isang gaya ng lalaki? Hindi man aminin ni Ate Ara, ang kutob ni Daisy ay mahal na rin nito si Zeph. Siya ang unang-unang kikiligin kapag nagkatuluyan ang dalawa.
May masasaktan nga lang.
Ang isa pa kasing kutob ni Daisy, mahal din ni Edgar ang kapatid niya. Ah, bahala na ang lalaking mapang-asar na iyon na mag-glue ng nabasag na puso. Kaya na nitong gawin iyon. Kaya nga naimbento ang salitang 'move on' para sa mga ganoong kaso.
"Daisy!"
Napatuwid ng upo si Daisy. Awtomatikong nawala ang ngiti. Agad niyang itinago ang cell phone. Hindi puwedeng mabuking siya ng kapatid. Hindi magiging kompleto ang sorpresa.
"Ate?" nagpanggap siyang walang ideya sa mangyayari sa mga susunod na minuto.
"Sino'ng kausap mo?" nagdedemand ng sagot ang tono at tingin ng Ate Ara niya. "Daig mo pa ang nanalo sa lotto kung makangiti diyan. Sino 'yon?"
"Wala..."
"Ano'ng wala? Kitang-kita kong nakikipag-usap ka!"
"Kaibigan lang na humihingi ng tulong, 'no ka ba? Huwag ka nga nag-iisip ng hindi wholesome diyan, Ate Ara!"
"Kung may ginagawa kang kalokohan, huwag kang pahuhuli sa akin, babae ka!"
"Hindi talaga!" nakangising sagot niya, hindi man nakikita ang sarili nahuhulaan ni Daisy na kumikislap ang mga mata niya. Ang nakikita niya kasi sa isip ay ang happy ending nito at ni Zeph De Villar.
"Aba't-"
"Ate, bakit ba ako na lang lagi ang binabantayan mo? 'Di na ako bata, okay? Alam ko na ang ginagawa ko kaya 'wag mo na akong i-guide. Kaya ko na ang sarili ko."
Umangat ang mga kilay nito bago siya pinandilatan. "Siguraduhin mong wala kang ginagawang kalokohan!"
"Wala nga. Nakabuntot ba naman sa akin si Kuya Edgar minu-minuto. Sa tingin mo, paano ako magkaka-chance na gumawa ng kalokohan?"
"Binabantayan ka ni Edgar?"
"Hindi mo alam? Hindi ba ikaw ang kaibigan no'n? Malamang utos mo 'yon."
"Wala akong alam sa sinasabi mo, 'oy. Nasaan sina Nanay at tatay?"
"Lumabas, mamamalengke raw."
"M-May upuan akong nakita sa silid natin, kanino galing iyon at bakit nasa loob?" kasunod ang paghagod sa dibdib.
"'Yong loveseat?" kaswal na susog niya. Simula na ng sorpresa. Count down na para sa happy ending. Ang saya lang niya. Tumikhim muna si Daisy at sa kaswal na tono ay sinabing: "Idinaan ni Zeph kanina. Para sa 'yo raw."
Napamaang sa kanya ang kapatid. Pinigil ni Daisy ang ngiti. Priceless ang reaction ng kanyang ate.
Mayamaya ay nagkaroon ng emosyon ang mga mata nito, para bang maiiyak pero pinigil ang sarili. Natiyak ni Daisy na espesyal nga si Zeph de Villar sa puso ng ate Ara niya.
"Si...si Zeph?"
"Hindi mo alam na darating siya? Akala ko alam mo, eh. Ipinapasabi nga niya na hihintayin ka raw niya." Patuloy niya sa scripted na linya. Pinaghandaan na niya iyon mula pa kaninang nag-usap sila ni Zeph.
"S-Saan daw? Nasaan siya?"
"'Ayun, oh!" inginuso ni Daisy ang sasakyan sa di kalayuan sa kanila. Pinukol niya ng nanunuksong tingin ang kapatid. "Paano? 'Alis na muna ako. Ayain mong pumasok sa loob para hindi kayo makita ng mga tsismosa." Tumayo na siya mula sa swing at deretsong naglakad palayo. Dinaanan niya ang sasakyan ni Zeph, kinatok ang salamin at ngiting-ngiting nag-hi sa driver na kanina pa naghihintay.
"Pa'no, bayaw? Happy ending na, ah? 'Wag mong sasaktan si Ate Ara. Marami kaming kalaban mo. Hindi ka makakalabas nang buhay dito." Pabirong banta niya na tinugon ni Zeph de Villar ng masayang ngiti.
"Thanks, hipag!"
"No problem. Basta ikaw!" kinindatan niya ito bago niya itinuloy ang paglabas sa bakuran nila para bigyan ng oras ang dalawa na mag-usap.
Nang nasa kalsada na siya, nilingon ni Daisy ang sasakyan-wala nang tao. Nasa loob na ng bahay nila at nag-uusap ang dalawang iniwan niya.
Unti-unting nabura ang ngiti ng dalaga mayamaya. Kinuha niya sa bulsa ang cell phone at nag-text sa isang pamilyar na numero.
BINABASA MO ANG
Ed (PREVIEW ONLY)
RomanceUNEDITED version. Teaser: Daisy wanted a perfect man. May check list siya ng mga katangiang kailangang taglay ng kanyang Mr. Right. Ang ilan sa 'must have'- guwapo, matalino, galing sa matinong pamilya at mayaman. Mala-fairy tale rin ang pangarap...