Chapter 1

196 3 2
                                    

"MENCHIE 'Oldies' Cleofe! Ano 'tong nalalaman ko na may boyfriend ka na ulit? Bakit hindi mo sinasabi sa 'kin? Bakit nauna pa si Chelle na malaman? Kung hindi pa nabanggit, hindi ko malalaman. Ano 'to, pinaglilihiman mo na 'ko?!" Kulang na lang ay mabasag ang eardrums ni Menchie sa pasigaw na litanya ng panganay na pinsan niyang si Chin sa mother's side.

Hindi pa niya nabubuksan ang pinto ng bahay nila para pumasok nang biglang tumawag ang pinsan niya. Sa halip na ang susi ang una niyang kunin ay nauwi sa pagkuha ng kanyang cellphone. Iniipit niya iyon sa pagitan ng balikat at tainga niya nang sagutin, saka hinanap ang susi sa kanyang bag. Kung hindi lang siya nanghihinayang sa latest model ng Iphone niya ay baka inihulog na lang niya ang aparato. Animo nakalunok ng mikropono at speaker ang tumawag, hindi pa marunong bumati.

"Ang ingay mo, Ate Chin. Magigising pati si Cj sa kabila," mahinang saway niya. Ang tinutukoy niya ay ang inaanak niyang four years old na lalaki at kapitbahay nila.

Narinig pa niya ang pag-ismid nito makapasok niya ng bahay. Humilata siya sa sofa, gabi na kasi at pagod galing trabaho. She just set the phone on loud speaker to hear her cousin, and put it on the side table.

Pero mukhang mali yata ang kanyang nagawa. "Pinaglilihiman mo na ako. Alam ba ni Tita Lei 'yan? Nakilala na ba? Sino ba ang damuho na 'yon? Pogi ba? Mabait? May trabaho? Mahal ka ba? Mahal mo? Ano?" pagalit na pang-uusisa ng pinsan, dinig na dinig sa buong bahay.

"Beast mode ka kanina pa, meron ka ba?" Ipinikit niya ang mga mata habang hinihintay ang sagot nito.

"'Wag mo akong ma-'meron-meron ka ba,' young lady! Isusumbong kita sa nanay mo."

Ang daldal talaga kahit kailan ng pangalawang kapatid nito na babaeng si Chelle. Nagbakasyon ang dalaga kailan lang sa kanila rito sa Cavite dahil wala pang trabaho. Kakuwentuhan parati ang kapitbahay nila na si Tita Myrna, lola ng kanyang inaanak, na alam ang pagkaka-nobyo niya. Hindi na rin niya nailihim nang tuksin siya ng mga ito.

Sa totoo lang ay hindi naman ni Menchie inililihim ang pagkakanobyo. Ayaw pa lang niyang malaman ng magkapatid dahil napaka-ingay ng mga ito. Ngunit close naman siya sa mga ito, lalo na sa kanyang Ate Chin na dalawang taon ang tanda sa kanya. They know each others secret, it's just she's too loud. As well as herself everytime she teases her cousin about ex-boyfriends.

Natatawang nagmulat siya bago sumagot. "'Wag ka mag-alala, alam ni mommy 'to. At saka malaki na 'ko. Itong oldies na 'to." Tawagan nila ang "oldies" bilang pang-asar na nakasanayan na nila.

"Eh, bakit hindi mo sinasabi sa 'kin?" Mahinahon na tanong ulit nito, bakas nga lang ang hinampo sa boses.

Pinaliit niya ang boses na tila bata. "Sorry na, Ate Chin. Sasabihin ko naman sa 'yo, naunahan lang ako ni Chelle. Talaga, oh, sorry..." pagpapa-awa niya.

She know no one can resist her charm everytime she does this. Pagbibigyan siya ng kung sino. Only child siya kaya madalas rin ay nakukuha niya ang kanyang gusto.

"Fine, fine. Basta sabihin mo ngayon din ang lahat-lahat sa 'kin."

See? Easy. Then she sat and started thinking about her man. Sa una ay ang lapad ng ngiti niya. "Paul Adrian Torrevilla ang pangalan niya. Nakilala ko siya sa hotel kung saan ako nagtatrabaho, five months ago. Front desk manager siya. Mabait... kapag tulog!" sinundan pa niya iyon ng paghagikgik.

Narinig ni Menchie ang pagsinghap ng pinsan niya. "Anong ibig sabihin ng kapag tulog? 'Wag mo sabihin na..." naeeskandalong anito.

Hindi na niya napigilan mapahagalpak ng tawa. "Ang green mo, oldies! Matanda ka na nga, gumagawa ka siguro ng kababalaghan."

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon