Chapter 3

48 2 0
                                    

PANAY ang mahinang buntong-hininga ni Menchie, habang si Paul ay abala sa pagkain. Kumakain sila sa 'di kalayuang restaurant mula sa hotel. Naiiling din siya, dahil noong isang araw ay ganoon din ang tagpo nila. Nakahanda ulit siya para konprontahin ang kasintahan sa kung ano mang nangyayari, na sinabi nitong wala noon. Gusto niyang malaman, para hindi siya parang tanga na umo-oo na lang.

"Paul," she paused for a moment. Nang lingunin siya ng nobyo ay saka siya nagpatuloy. "Ayoko nang palampasin kung anong meron."

"What are you saying, Menchie?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya.

"Y-you... last night. Parang may iniisip kang sobrang lalim, pagkagaling mo sa comfort room. T-tumahimik ka." Hindi niya mapigilan na mautal, tinatantiya rin kasi niya ang sasabihin. She knows that she's not being straight to the point, ngunit kinakabahan siya sa kung ano ang maririnig na eksplenasyon.

"Sa tingin mo ba ay may ginagawa akong kalokohan? Wala, okay? Napagod lang ako kagabi kaya natahimik na ako, ano pa ba sa tingin mo ang ginawa ko?" Tila napupuno na ang inis nito sa kanya, bakas sa tono ng boses.

Last night after the reenactment of Menchie's high school memory while she's blushing, Paul entered the room. Mabilis pa sa alas kuwatro na lumayo siya kay Khuriss. Binalot ng awkwardness ang buong classroom. Mahihiyang mag-ingay maski kulisap.

Si Khuriss ang bumasag ng katahimikan, nagpaalam na babalik na sa matalik na kaibigan. Tensyonado naman si Fritz na pinagtabi sila ng nobyo, upang makuhanan din ng litrato. Mga robot naman ang mga barkada niya na nakisali. At hanggang ihatid siya ni Paul sa kanilang bahay ay wala itong reaksyon. And she didn't push to say a single word, afraid to get things worst.

"Walang mangyayari kung patuloy mong igigiit na—"

"Can we just eat?!" Napalakas na ang boses ni Paul sa pagputol ng mga sasabihin ni Menchie.

Natigilan siya. Nasaktan. Bakit tila nag-iba na talaga ito sa Paul na nakilala at naging nobyo niya? Unang beses pa lang na nagkakalabuan sila, hindi naman mawawala iyon sa mga nag-uumpisang relasyon. Kaya as much as possible ay gusto niyang maayos. Habang maaga pa.

"I'm sorry," hinging paumanhin ng binata nang mapagtanto ang nagawa. Muli nitong sinabi na walang nangyayari, at ituloy na raw niya ang pagkain.

Ngunit wala na siyang gana. "Siguro mauna na ako sa hotel," aniya habang tumatayo.

"Pero... sige, sasabay na rin ako. Babayaran ko lang itong mga pagkain," pagsang-ayon nito nang marahil ay mapansin ang pakilasa niya.

Bumalik kaagad sila sa hotel. Tanguan lang ang paalam nila sa isa't isa.

Padiretso na si Menchie sa kitchen nang humahangos na nakita niya si Wendy. Tila nakahinga ito ng maluwag pagkakita sa kanya. Napapaisip na tiningnan niya ito.

"Sa-saan ka g-galing? Hinahanap ka ni chef," hinihingal pang sabi nito.

"Lunch break ko, 'di ba? Bakit daw ba?" nagtataka na balik-tanong niya.

Huminga muna ito ng isang malalim bago muling nagsalita. "Si Mr. Legaspi hinahanap ka. Nasa dinning room natin siya para kumain ng lunch."

She don't know if she will be shock, or feel worse than she was earlier. Haharapin naman niya ngayon ang lalaking nag-umpisa ng kaguluhan sa isip at dibdib niya. "Bakit?"

"Hindi ko alam, basta tara na!"

Mabilis na tumalima si Menchie para sumunod sa katrabaho. Kahit parang ang bibigat ng bawat nagmamadaling hakbang niya. Ano kayang problema at hinahanap siya?

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon