Chapter 6

37 1 0
                                    

"UNTIL now, you're still not saying the reason," nakahalukipkip na ani Menchie kay Paul. Magkaharap silang nakatayo sa harap ng sasakyan ng huli. Gabi na at inihatid ulit siya nito. Actually, he isn't stopping.

Hindi pa sila opisyal na naghihiwalay, binibigyan niya ito ng extent time. Dahil na rin sa hindi niya kayang makipagbreak rito, habang umiiyak ito nitong nagdaang araw at sinasabing ayaw na mawala siya. Kapag talaga tuluyan nitong ipinagkait pa ang rason sa kanya, walang kimi-kiming tatapusin niya ang lahat. Masakit man na niloko siya sa hindi malamang dahilan, at kahit na tunay din itong masaktan. Lalagyan niya ng tuldok ang sawing relasyon nila.

Wala pa rin siyang narinig na sagot. She heaved a deep sigh. "Hindi ko na alam kung anong sasabihin o gagawin ko para magsalita ka."

Maski kahit ano ay wala yatang napasok sa isip ni Menchie. Patuloy na naghihintay ng kasagutan. Naguguluhan din siya sa kung ano ang nararapat at tamang maramdaman, subalit malayo iyon sa mga positibo. Kahit ang kagustuhang ipagpatuloy ang relasyon nila ay walang pag-asa na maligaw sa puso niya. Parang gusto na lang niyang matapos ang lahat.

Kaya lang ay hindi gayon kadali, dahil kahit na nasaktan siya ay hindi niya gustong gumawa ng ganoon sa iba. Piliin man niyang hindi manakit ay hindi pa rin maiiwasan. Lalo na at binibigyan niya ng cold treatment si Paul, simula nitong umaga. Iyon lang ang naisip niyang paraan para malaman ang rason nito. At napapagod na siya sa kawalan ng nangyayari. Siguro ay tama na, tama na ang oras na ibinigay niya rito. She'll get it over and done with.

Huwag ipilit kung ayaw, sabi nga.

"We should just end-"

"Menchie!" Nahihintakutan na saway ni Paul sa kanya.

Kapagkuwan ay napalingon sina Menchie at Paul sa gate nang tumunog iyon. Palabas ang mommy ng una, na nagulat pa nang makita silang dalawa. Nang makabawi ay ngumiti sa kanila.

"Tamang-tama ang dating niyo, kakain na ng hapunan. Bibili lang ako saglit sa tindahan," anito sa kanya. Binalingan nito ang binata. "Sumabay ka na sa 'min. Marami akong inihanda, may bisita rin kasi ang daddy ni Menchie. Huwag kang mahihiya."

"Uuwi na si Paul, mommy," kontra niya. Pinandilatan pa ang binata upang makisakay sa kanya.

Sa kasamaang palad ay hindi ito umayon. "Salamat sa pag-imbita, tita. Walang nababanggit sa 'kin si Menchie na umuwi na si tito. I'll join dinner to meet him."

"That's great!" Nagpaalam na ang mommy niya upang pumunta ng tindahan. "Pumasok na kayo, kanina pa naroon si Khuriss."

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang narinig na pangalan, ikinatigil niya iyon. Anong ginagawa ng binata sa bahay nila? Kailan pa ito nakabalik galing Maynila? Bakit ngayon pa natiyempuhan na makita niya?

Napansin ni Menchie ang nakatiim-bagang na si Paul nang akayin siya. Ano naman ang ipinagpuputok ng butsi nito? Dahil ba sa pinauuwi na niya ito? O hindi niya sinabi rito na nakauwi na ang daddy niya? Baka ang muntik na pakikipaghiwalay niya rito?

Mapupuno na ng mga katanungan ang isip niya!

Isang halakhak ang nakapagpahinto sa kanila hindi kalayuan sa pinto. "Parehas na parehas talaga silang mag-ina, sa una ay mahiyain pero may pagka-makulit at madaldal naman pala!"

Sigurado siya na Daddy Chard niya iyon.

"You're right, tito," sang-ayon ng tinig na kilalang-kilala rin ng puso niya. 'Di nagtagal ay nagpatuloy ito. "But there's nothing not to like about her-not to like her. Nor not love her." Isang segundo yatang huminto sa pagtibok ang puso niya, pagkatapos ay nagtatalon na parang bata na walang tigil. Nararamdaman niya na patungkol iyon sa kanya.

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon