Chapter 10

29 1 0
                                    


"HINAHANAP mo rin si Menchie?" hindi makapaniwalang tanong kay Khuriss ng babaeng kaharap. Naroon siya sa itinurong lugar ni Tito Chard. Mula sa labas ng hanggang bewang na gate ay nakita niya ang kausap na nagdidilig ng mga halaman sa may kalakihang hardin. Kaagad niyang napukaw ang atensyon nito sa kanyang pagtawag. Hindi naman kasi ito ganoon kalayo.

Sinipat siya ng tingin. Bitbit niya sa mga kamay ang isang pumpon ng bulaklak at may kalakihang basket ng mga prutas. "Sinabi sa 'kin ni Tito Chard na nandito siya. Ako nga pala si Khuriss Darren Legaspi, boyfriend ni Menchie," pagpapakilala niya, kinipkip niya ang lahat ng dala saka naglahad ng kamay.

"Gail, pangalawa ako sa nakatatandang pinsan niya sa mother's side. Bakit ka nga pala narito?" Nakipagkamay ito.

"Meron po kasi kaming hindi pagkakaintindihan. Kung maaari lang sana ay makausap ko siya." Kulang na lang ay magmakaawa siyang patuluyuin. Ngunit gayon na din ang tunog ng boses niya. May pagmamakaawa.

Naiiling na tumawa si Gail. "Magpasalamat kayo at nagsama-sama ang mga oldies sa bayan para kumain sa labas. Halika, pumasok ka na rin," magiliw siyang pinagbuksan ng gate.

Puno ng pag-asang sumunod siya rito nang maglakad papasok. Isang saradong bahay ang nadaanan nila, bago sila pumasok sa terrace ng isang may kalakihang bungalo type na bahay, nakita rin niya nakatabi niyon ang isa pang bahay at sarado rin. The house where they went was simple, from the out to the inside.

Halos malaglag ang panga niya nang mapagsino ang nabungaran sa sala nang ilibot ang tingin doon. Ngunit mas gugustuhin niyang tingnan ito ng masama, kaysa magmukhang nagulat. Kung wala siyang mga hawak ngayon ay mariin na rin ang pagkuyom ng mga kamay niya.

Sa lahat pa talaga ng lugar ay doon pa niya makikita si Paul Adrian. May dala pang bouquet ng mga bulaklak na nasa center table, prente pa ang pagkakaupo nito sa sofa!

"Khuriss, para kay Menchie ang mga iyan? Akin na, at nang maisaayos ko na sa lamesa ang mga prutas. Kung gusto mo ay mailalagay ko na rin ang mga bulaklak sa vase," pag-aalok ni Gail sa kanya. Sumulyap ito kay Paul nang makita ang tingin niya sa binata. "Kaibigan daw siya ni Menchie, na-confirm na naman ng pinsan ko. Siya nga pala, lumabas lang siya para bumili ng makukutkot sana na pagkain. Maupo ka na rin muna riyan, parating na iyon."

"Maiwan na lang ang mga bulaklak. Gusto ko na ako ang magbibigay sa kanya ng mga iyan. Heto ang mga prutas, tutal ay para sa mga lola niyo ang mga ito," magalang na hiling niya.

Walang choice si Khuriss kundi ang maupo rin sa sofa makaalis ni Gail, ipinatong na rin niya ang dalang bulaklak sa center table. Sa kabilang dulo siya ni Paul. Hindi na niya ito tinitingnan dahil nag-iinit ang ulo niya. Baka hindi siya makapagpigil ay kung ano ang magawa niya.

Pagak siyang tumawa. Sapat upang tingnan siya ni Paul, na kita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata. Gusot na gusot ang noo nito. How dare he faced him like that? How can he look like he doesn't want him to be here? How dare he be here?!

"Anong itinatawa mo?" Nagtataka pa ang tanong nito sa kanya.

Mas lalo siyang natawa. "Ikaw, anong ginagawa mo rito?" mababa at mariin na hindi nakatiis na tanong niya, makaraan ng pagtawa. Hindi pa rin niya ito tinitingnan.

"Ano naman sa iyo kung nandito ako? I'm here to have Menchie," pabalang na sagot sa kanya.

At may gana pa talaga itong magmayabang sa kanya!

"Hindi siya iyo," panggagaya niya sa sinabi at mismong tono nito noon. "At kailan man ay hindi magiging iyo," dagdag pa niya.

Tatapunan na sana ni Khuriss si Paul ng tingin, ngunit gayon na lang ang biglang pag-ubo niya. Mariin ang hawak ng huli sa kuwelyo niya, nakakasakal iyon. Ngayon ay nakatingin na siya rito. Pulang-pula ang mukha nito, dahil sa galit na hindi na nito natimpi. Ito naman ang sapul sa linyang sumapul sa kanya noon. How ironic...

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon