Chapter 9

31 1 0
                                    


"PRINCESS, anong ginagawa mo dito? Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na tatawagan o pupuntahan na lang kita sa kitchen. May kakausapin pa ako—"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Menchie, na siyang nagpahinto sa mga sasabihin ni Khuriss. Sigurado siyang mamumula ang pisngi ng binata sa ginawa niyang iyon. Pero wala siyang pakialam. Niloko siya nito. Pinaglaruan ang damdamin niya. Pinaikot sa mga palad nito.

"Bakit mo nagawa sa 'kin iyon, Khuriss Darren Legaspi? Anong ginawa ko para ganituhin mo ako?" Nagpupuyos ang kalooban na tanong niya rito, madiin ang bigkas sa bawat salita. Ang galing nitong umarte na parang wala itong alam at ginawa sa kanya.

"A-anong ginawa ko? Kababalik ko lang," gulat na gulat na anito.

Pumatak ang mga luha niya, kauumpisa pa lang ngunit hindi na maampat-ampat ang mga iyon. Ang sakit ng dibdib niya, walang kasing-sakit. Tila kinuyumos ang puso niya, pinigang maigi hanggang sa parang namanhid na. O kung may natitira pang pakiramdam ay pait at hinagpis na lang.

"'Wag ka nang m-magpanggap pa, please..."

Nabalisa ang binata, hindi maintindihan kung anong gagawin. Itinataboy lang niya ito kapag lalapit at akmang hahawakan siya. Ang galing talaga nitong artista.

Kahapon lang ay nalaman niyang manipulado ang lahat-lahat sa kanila. Hindi lang sa kanila, kundi kasali pa ang magaling niyang ex-boyfriend na si Paul. Ito na nga ba ang sinasabi niya, hindi maaaring napakaperpekto ng lahat. Nahiling pa niyang magtagal, ang baliw na nga siguro niya. Kahit kailan ay walang perpekto. May butas at may butas talaga, mali. Isang napakalaking pagkakamali ang meron sila.

Wala nang pinalampas si Menchie na oras pa, kanina nang malaman na nasa opisina na nito si Khuriss. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa at sinugod ito ng sampal pagtayo sa harap niya. "Aminin mo nang pinaglaruan niyo ako ng kaibigan mong si Paul Adrian Torrevilla..."

Ekspresyon pa lang nito ay siya na mismong nagkanulo rito. Bumalatay ang rekognisyon na nagsasabing tama siya. "P-paano mo nalaman na k-kaibigan ko siya?"

"Inutusan mo siyang ligawan ako, at pasagutin!" Puno ng disgustong sigaw niya.

Malalim na kumunot ang noo nito. Tinitigan siyang maigi, pinag-aaralan kung niloloko niya ito. "Saan mo naman napulot ang kalokohan na sinasabi mo, Menchie?"

"I-inamin na sa 'kin ni Paul ang lahat, kaya 'w-wag mo akong titigan na parang ako pa ang g-gumagawa ng kwento..." humahagulgol na wika niya.

Parang bulang naputok at nawala ang pananabik ni Menchie sa pag-uwi ni Khuriss kinabukasan nitong nagdaang gabi, nang dahil nakita niya si Paul. Nakaupo ang dating nobyo sa lobby kung saan mismong puwesto na nakipaghiwalay siya rito. Ang layo ng itsura nito sa dati, maihahanay na ito sa mukha ng mga drug addict. Magulo ang buhok nito, nangangalumata, malago na ang stubbles sa baba, at hinugot lang yata kung saan ang mga suot na damit dahil gusot. Lubha siyang natakot nang lumapit sa kanya at ginusto nitong makausap.

Tatanggihan na sana niya ito. Kaya lang ay nakuha nito ang kanyang atensyon nang sabihin nitong aamin na ito ng mga itinatago sa kanya. Napa-oo siya nang idawit pa ang pangalan ni Khuriss.

This involves your boyfriend, ang pinakamamahal mong boyfriend. Ayaw mo pa rin bang malaman ang mga sasabihin ko? Mapait na pang-eengganyo pa ni Paul kagabi.

"A-anong pinagsasabi niya sa 'yo?" Parang tinuklaw ng ahas ang ekspresyon ni Khuriss.

"Ni Ian? Iyon ang palayaw niya sa America, hindi ba? Grabe, napaniwala niyo akong hindi kayo magkakilala. Ang tanga ko para hindi mahalata." Tumawa siya ng pagak, maski na patuloy ang pagluha. "Bakit nga ba inuunti-unti ko pang sabihin ang lahat? Mas pinagmumukha ko lang tanga ang sarili ko. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko...

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon