Chapter 2

58 1 0
                                    

TULAD ng sinabi kay Menchie ng nobyo niyang si Paul ay bumawi ito sa hindi nila pagsasabay umuwi noong huli na galing trabaho. Naroon sila sa mall upang kumain at maglibot-libot daw. Sabado ng araw na iyon at parehas na rest day nila. Madalas ay tumatambay lang talaga sila sa apartment ng binata, at ipinagluluto niya ito sa ganoong araw. Pero ngayon ay wala itong reklamo saan boutique man niya hilahin, at dinala pa siya nito sa restaurant na gustong-gusto niya kainan.

"Iyong totoo, lab, bakit ba napapadalas ang pag-oovertime mo?" tanong niya sa nobyo. Hinihintay nila ang kanilang order.

Sa totoo lang kasi ay hindi iisang beses na pumalya ang binata nitong linggo na sumabay umuwi. Nakasama lang niya ito ng dalawang beses pauwi. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano pero hindi niya mapigilan.

Lumikot ang mga mata ni Paul. "Marami lang guest na kailangan asikasuhin, Menchie."

"Manager ka. May mga tao na puwedeng kumilos para sa 'yo. Hindi naman sa gusto kong magmataas ka, pero mukhang pinapagod mong maigi ang sarili mo."

"Nakita mo na naman si Mr. Legaspi, 'di ba?"

Menchie wished Paul didn't saw how she flutter upon hearing Khuriss' name. Kung bakit ba naman kasi umarangkada bigla ang tibok ng puso niya. Narinig lang niya ang apelyido ng crush niya!

"Si yummy na sinasabi niyo. Tama, 'di ba?" Dugtong pa ng nobyo niya.

Napainom siya ng tubig para kahit paano'y maitago ang pamumula ng pisngi niya. Matapos ay tumikhim. "Si Wendy lang ang nagsabi no'n."

Definitely, she obviously sounds defensive.

"Anyway... Ngayon na hawak niya ang hotel, ayoko na ma-disappoint siya sa staff pagpasok pa lang sa hotel. Kaya kailangan hands on ako," paliwanag nito. Binalewala na lang marahil nito ang pagiging defensive niya.

"Pero... ah." Ano nga bang pinag-uusapan nila? Bakit siya kinilig kay Khuriss?

"Okay, I'm really sorry. Menchie, sana maintindihan mo kung bakit hindi ako makakasabay umuwi. Lab, sorry na. Please?"

Kung kaya lang niyang sabunutan ang sarili nang hindi nagtataka ang nobyo, why not? Distracted na distracted siya pagkakarinig sa pangalan ng ibang lalaki. Sa harap pa nito.

Dapat ay nasa kaharap ang atensyon niya, at wala sa hindi naroon. Dapat pagtataka at lungkot ang nararamdaman niya dahil sa nangyayari sa kanila. At dapat hindi siya pumayag na siya na lang parati ang iintindi. But then she said... "okay."

Tahimik lang sila nang ihain ang pagkain nila. "Enough talk about work, may plano ba kayo ng family mo para bukas?" tanong ni Menchie.

"Sa tingin ko ay wala. Hindi naman ako pinapauwi ni mama, sa apartment lang siguro ako. Kayo ba ni Tita?" Taga-Batangas ang pamilya ng nobyo, may dalawa itong nakababatang kapatid na babae.

"Hindi ako sigurado pero baka nandito ulit ako sa mall. Gusto ni mommy magpalinis ng mga kuko," natatawang sagot niya. Wala rin kasi silang pasok kapag Linggo.

"Si tita talaga!"

Iyon ang umpisa ng panaka-naka nilang usapan at tawanan habang kumakain. Nasa tamang ikot na muli ang mundo niya, matapos umikot sa maling axis. Hanggat hindi niya naririnig ang kahit anong konektado kay... siya na 'yon, ay okay siya. She's good with Paul, head and heart? Right.

"Naaalala mo ba no'ng tanungin kita kung puwede kitang suyuin?"

"Grabe kaya ang itsura mo noon! Para kang timang na nakatulala sa 'kin habang sinasabi mo. Tapos nagbabangayan ang mga kaibigan ko sa background. Then, poof! May dumaan na anghel," matawa-tawa siya habang binabalikan ang umpisa nila.

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon