Chapter 5

40 1 0
                                    

PABIRONG pinanlilisikan ng tingin ni Menchie si Khuriss. Nagpahanda ang binata ng tanghalian nila sa iba pa niyang kasamahan, kaya naman kasama siya nitong naghihintay. Mabuti na lang at naisipan siya nitong pagpahingahin na ipagluto ito. Dahil pagtabi rito ay kinukulit na niya kung paano nito nabuo ang surprise nito. Higit sa lahat ay ang mapauwi ang daddy niya. She can't get over the happiness she had at her birthday. But he isn't answering her seriously.

"Kailangan lang ng faith, trust and pixie dust. Okay?" Pambibiro pa nito.

Walang pangingiming sinimangutan niya ito. "Hindi ka si Peter Pan," pambabara niya.

"Okay, okay." Umiling-iling ito, saka nakangiting kinurot ang pisngi niya. "Sasagot na."

"Parati mo na lang akong kinukurot sa pisngi," pamumuna niya.

Mas lalo lang siyang nginitian nito. "Iyong-iyon talaga ang atensyon ko, lalo na kapag nagsusungit ka."

"H-ha?" She was taken a back with what he said.

Ang layo ng sagot nito sa komento niya. Kaya naman naghintay pa siya ng kasunod ng sinabi nito, ngunit nabigo lang siya. Binigyan na naman siya nito ng karagdagang dadamdamin at iisipin.

"To answer your questions, I just pull some strings of connection. Deal with things that can be easily done. Kaya lang ay panandalian naman ang bakasyon ng daddy mo dito, isang buwan. Kailangan niyang gawin ang iba pa, asikasuhin ang importanteng mga papeles, para tuluyan siyang hindi na bumalik abroad. I hope it was okay with you... gusto ko lang na huwag kang malungkot lalo na at kaarawan mo. And you understand it, right?" Hinawi nito ang mumunting buhok na kumawala sa pagkakapusod niyon. Humihingi ng paumanhin ang ngiti nito.

Bahagya siyang tumango, saka nagpasalamat. "Everything means so much to me. Huwag mo isipin na binalewala ko lang, o hindi ko pinansin. Kahit parang walang kaeffort-effort mo na ginawa, siyempre ay sigurado na nahirapan ka. Isipin na nakipag-usap ka kung kanino, pumirma ng kung ano, at gumastos. I wonder how can I repay you!"

May napansin si Menchie na kakaibang kislap na dumaan sa mga mata ni Khuriss, ngunit tila kasing bilis ng bulalakaw na nawala. Kalituhan ang pumalit, na maging siya ay nais din malito dahil rito. Animo may pagtatalo sa isip nito at nakalimutan nang kasama siya.

"Khuriss?" Pukaw niya rito. Nangamba siya bigla sa kung anong iniisip nito. "May problema ba? Naapektuhan ba ng mga ginawa mo para sa 'min ang hotel? Grabe ba? Anong magagawa natin na solusyon?"

Natauhan ito nang sapuhin niya ang mukha nito. Kakaiba ang dating sa kanya nang tingnan siya nito. As if he's looking at her dearly. "Menchie..."

"B-bakit?" Bulang naglaho ang kanina'y pag-aalala niya. Nautal siya sa tindi ng titigan nila.

"I want to tell you something," paanas ang pagwika nito.

Kulang na lang ay pangapusan na siya ng hangin. Dahil sa antisipasyon na malaman ang gustong sabihin ng binata. "A—"

"Menchie, lab?"

Tila tinamaan ng kidlat si Menchie, namamanhid na binawi ang mga kamay na nakasapo sa mukha ni Khuriss. Ayaw niyang lumingon, nasisigurado niyang si Paul ang tumawag. Sa pagbanggit ng huli sa tawagan nila bilang magkasintahan ay nagsink in sa kanya ang pagpapakasaya sa piling ng ibang lalaki. She felt guilty, but why would she? Cool off sila ng nobyo at kapwa nag-iisip, nagso-sort of ng kani-kanilang nararamdaman.

Anong ginagawa ngayon ni Paul dito at hinahanap siya?

Iba't ibang kasagutan ang pumasok sa isip niya. Mga alaala ng mga nakaraang buwan kasama ang nobyo. Noong mga panahon na in love siya rito. At wala pa si Khuriss. Suddenly she's confused.

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon