Chapter 4

35 1 0
                                    

HININTAY muna ni Menchie na matapos ang usapan ni Khuriss at ng sekretarya nito bago kumatok. Naroon na naman ang binata sa dinning area nila upang mananghalian, kabilang na rin ang pakiki-pagkuwentuhan sa kanya bago bumalik ng kusina. Ilang araw na niya itong ipinagluluto, at maging siya ay isinasabay nito sa pagkain. Sa tingin niya ay nakapagcatch up na silang maigi.

At sa mga araw na 'yon ay hindi matigil ang tuluyang pag-iiba ng tibok ng kanyang puso. Lalong tumitindi ang paghanga niya sa binata, na tila nag-iiba na rin ng kahulugan. Ayaw niyang pangalanan. Hindi pa maaari hangga't hindi pa siya nakasisigurado. Yes, she's happy with him around. But that's not enough assurance to call it "it."

"These are all for now. You can take your lunch already, Ms. Pamplona," Khuriss formally said. Inayos nito ang mga nakakalat na papeles sa lamesa pagkalabas ng sekretarya nito.

"Busy? Sinasabi ko naman sa 'yo, dapat nagpaakyat ka na lang sa itaas ng pagkain," pangangaral niya rito. Bukal iyon sa loob niya kahit gusto niya ito doon. Ayaw niyang mawalay ito sa tingin niya. Magagawa niyang titigan ito buong araw, twenty-four-seven.

Parang bumaliktad ang mundo nang mawala ang parati ay seryosong anyo nito. "Not that busy to have lunch with you."

Nabaliw na ang puso niya sa pagpintig, kahit pa ilan beses na nitong nasabi iyon ay gayon pa rin ang epekto. "Kumain ka na, ng marami. Gutom lang 'yan."

He laugh, sounding really manly. "Maupo ka na rin para makakain na."

Wala na siyang pag-aatubili na umupo.

Maliban sa pagiging lalong malapit ni Menchie kay Khuriss nitong mga nakaraang araw, parang bulang naglaho si Paul. Naka-leave daw, hindi na siya nagtaka. Obviously ay nagbigay na rin ito ng space sa pagitan nila. Hinayaan na lang muna niya. May iba pang importante na dapat siyang pagtuunan ng pansin maliban dito.

Isipin pa lang niya ay naeexcite na siya.

"What are you thinking?"

Napatigil siya sa pagkain at nilingon ang binata. Salubong ang mga kilay nito. "Ha?" Inulit nito ang tanong.

"Ah, wala naman. Birthday ko kasi next Friday at uuwi si daddy," aniya na parang wala lang talaga.

Ngunit mababakas na ang kasabikan sa kanya. Espesyal ang kaarawan niyang iyon. Uuwi ang kanyang Daddy Chard galing Saudi, kung saan ito nagtatrabaho. Matagal na ang huling pagkikita nila sa personal, isang dekada na. Kaya naman hindi na siya makapaghintay.

"We should celebrate!"

Bahagya siyang umiling. "Huwag muna sa ngayon. Kailangan ko pa i-confirm for the last time mamaya. Bukas na lang?"

"Tomorrow it is." Napaka-genuine na itinaas ni Khuriss ang baso nitong may inumin. Pinagpingki nila ang kanilang mga baso.

Pagkarating ni Menchie ng bahay galing trabaho ay kaagad siyang nag-online sa Skype. Kapag nagpapang-abot sila ng daddy niya ay nagbabalitaan sila. Mabuti na lang at naabutan niya itong online ngayon. Hindi pa siguro ito napasok sa trabaho.

"Hi, daddy!" Bati niya nang lumabas sa screen ng cellphone niya ang mukha nito.

"Hello, baby." He treats her like a baby ever since. Kaya naman daddy's girl siya kahit malapit din sa kanyang mommy.

"I miss you," paglalambing niya. Ngumuso pa siya.

Lumungkot ang mukha ng daddy niya. "Miss na rin kita, Menchie..."

"But you're going home for my birthday next week, right? Kung pwede lang ay magstay ka na dito," aniya.

Umaasa siya. Miss na miss na talaga niya ang kanyang daddy. Batang-bata pa siya nang mag-abroad ito, cook din ito sa hotel. Noong una ay umuuwi-uwi ito. Pero nang magdalaga siya ay tila ulan sa El Niño ang pag-uwi nito. Kulang na lang ay matuyot sila ng mommy niya sa paghihintay.

Crush Or LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon