A/N:
At dahil maraming gusto ng UD . Piniga ko na yung utak ko para masulat tong chapter na to' . ADVANCE HAPPY BIRTHDAY to @qutieme ^^
____________________________________________________________________________
Chapter 28
Eunji's POV
A letter from Chorong .
Hindi ko muna binuksan yung letter .
Hours had passed and imbis na sa cafeteria ang diretso eh sa garden ako dumiretso .
Binuksan ko yung letter . .
Umpisa pa lang . .
Bakit ganon ?
Naiiyak na ako ?
Binasa ko ito .
At mas lalong hindi nakayanan ng mga mata ko.
Chorong , why!?
Kailangan mo ba talagang umalis?
Dear Eunji ,
Akala ko , madali lang yung mabuhay ka sa mundong ito . Mabuhay ka kasama yung mga taong nagpapasaya sayo . Pero iba pala talaga kapag mas lalo silang napalapit sa puso mo.
Yung mga taong handang manatili sa tabi mo hanggang sa huli . Yung mga taong hindi ka iiwan . Akala ko madali kapag may mga kasama kang ganyang tao sa buhay mo . Pero hindi pala. Wala palang madali sa mundong to' . Naalala ko , nung simula , ni walang gustong makipagkaibigan sa akin .
Dahil ba panget ako ? O sadyang baliw ako ? Kaya ba iniiwasan nila ako ? . Mag isa lang ako . Pero dati yun . Hanggang sa dumating si Suho . Alala ko pa nung nanghingi sya ng papel sa akin . Sabi ko sa sarili ko , mukhang mayaman naman to' tapos walang papel? . Tapos dumating ka , yung nerdy girl na halimaw sa loob kapag nagagalit . Yung girl na nagligtas sa akin nung camp . Naalala mo yun ? Yung time sa nagpapalit ako sa CR , tapos may kumuha ng damit ko . Ikaw yun , alam ko .
Nung mga time na nahihirapan na ako . Nung mga time na masaya lang . Yung mga time , na sabay sabay tayong iiyak , sabay sabay tatawa , sabay sabay magiging seryoso , sabay sabay ngingiti pagkatapos ng hirap . Yung mga time na magkakasama tayo lahat .
Ang hirap nyong iwan . Sobrang close na tayo eh . Yung tipong kahit alam kong kinabukasan magkikita pa rin tayo pero miss na natin yung isa't isa . Ganyan tayo eh .
Eunji , Suho , Naeun , Bomi , at Namjoo . Sorry . Sorry kung iniwan ko kayo . Sorry kung hindi nyo alam yung buong storya . Sorry kung walang imik akong umalis . Sorry kung hindi ako lumaban . Sorry kung tinalikuran ko kayo .
Nung mga pagkakataong , ninonosebleed ako . May sakit na pala ako? . Hindi ko namalayan . May sakit ako , Hemophilia . Sabay nang pagaaral ko sa Canada , eh magpapagamot ako dun . Pero sana , gumaling ako kaagad .
Thank you sa lahat . Sa time , Sa mga alaala . Sobra akong nagpapasalamat sa inyo . Sa inyo na nanatili sa tabi ko . Sa alaala natin . Dadalhin ko yun habang buhay .
Salamat sa lahat . Matatagalan pa ata bago tayo magkita kita ulit . Pero sana , walang magbabago ah? Sorry ulit at Salamat . Mahal na mahal ko kayo .
-Chorong
Out of nowhere . Napahawak ako sa dibdib ko .
Chorong .
Napahagulhol ako ng iyak .
BINABASA MO ANG
Diary Ng ChoHan : Take Two!!
FanfictionAno ba talaga ang mas mahalaga , ang KASALUKUYAN o ang NAKARAAN? (Part-Two) All Rights Reserved @ 2015